Sobrang sakit isipin na parang naf-fall out of love ka sa isang tao. Pero mas masakit na hindi mo kayang ma detach sarili mo sa kanya dahil na buntis ka niya 3 times at lahat ng yon pinalaglag mo. Sobra sobrang sakit. Parang tinanggalan ako ng karapatang umibig ulit ng ibang tao, or magkaroon ng freedom away sa kanya kasi yun nalang iniisip ko. Na hindi deserve ng kung sino man na mahalin ako ulit dahil ganto yung nangyari.
Nakakalungkot at nakakapuno ng galit kung pano ko nakuhang magpakatanga sa kanya ng tatlong beses. Matalino naman ako. Pero sobrang bata ko pa para pagdaanan to. Kausapin niyo naman ako. Kasi lugmok na lugmok ako. Nakaka drain, kahit anong gawin kong self-improvement parang mananatiling mababa ang tingin ko sa sarili ko. Whereas siya, kaya niyang kalimutan lahat ng yon ng isang iglap kasi hindi naman katawan niya ang nasira. Help me guys. Sobrang sakit.
How to move on
Started by
Guest_Anonymous000_*
, Jun 09 2024 05:59 PM
1 reply to this topic
0 user(s) are reading this topic
0 members, 0 guests, 0 anonymous users