Jump to content


- - - - -

2023 clients


2 replies to this topic

#1 Guest_Mrs.Scared_2023_*

Guest_Mrs.Scared_2023_*
  • Guests

Posted 04 May 2023 - 05:54 PM

Sino po dito ang kakaorder lang noong April 2023? Especially those from Mindanao. Ilang days ninyo po bago natanggap?

#2 Guest_quest_*

Guest_quest_*
  • Guests

Posted 05 May 2023 - 07:41 AM

naka order ka na po? pwede po ba tayo mag sabay sa procedure, need lang po kausap and kasangga during the procedure

#3 Guest_Mrs.Scared_2023_*

Guest_Mrs.Scared_2023_*
  • Guests

Posted 06 May 2023 - 09:28 AM

Di pa po ako nakaorder kay Ms. Ella kasi kulang pa yung pera ko ngayon. Ayaw kasi suportahan ng husband ko yung desisyon ko kaya nagsisikap akong buuin yung perang kailangan ko. Ayaw ko ng patagalin kasi alam kong mahihirapan lang ako kung pinatagal ko kasi naging client na ako noong 2018 ni Ms. Ella, 24 weeks + na yung tiyan ko nung ginawa ko yung procedure. Sa pagkakatanda ko, after ko pinasok sa v ko yung tablets, gininaw ako at nagsusuka. Dinala ako ng parents ko sa hospital di pa nila alam kung ano ang ginawa ko, tapos nalaman ng doctor na nag medical abortion ako at sinabi niya sa parents ko, kita kita ko yung dissappointment nila. Sinabihan pa ako na ipapakulong daw ako kasi illegal yung ginawa ko. Ayon inexplain ko maigi yung side ko kung bakit nagawa ko yun. After naming mag usap ng doctor bigla akong nakaramdan ng pananakit ng puson at may lumalabas na din sa v ko na brownish discharge. Pinuntahan ulit ako ng doctor ang sinabi niya na need ko daw mag ultrasound, nalaman sa ultrasound na wala ng heartbeat ang baby. Pinasok na ako sa labor room,sabi sakin magsisimula na daw akong maglabor. 9 hours akong naglabor after nun iniluwal ko yung bata, stillborn yung nakalagay sa papel. Di na ako muli kinausap ng doctor, at di rin nila ako nireport sa mga pulis, siguro dahil inexplain ko maigi yung side ko o baka wala na rin silang mapapala kong irereport ako, o baka pinakiusapan sila ng mga magulang ko. Di ko alam basta after ilang araw na discharged na ako sa hospital. Di ko inaasahan na babalik ako sa ganitong sitwasyon, 2 years na din kasi ng na diagnosed ako na may pcos. Di ko rin namalayan kasi irregular yung period ko, until nakaramdam na ako ng sintomas ng pagbubuntis kaya nag desisyon akong magpa ultrasound nung May 2 at nalaman ko na 9 weeks and 2 days na akong buntis. Tulad nung 2018 ayaw ako suportahan ng husband ko ngayon, alam ko naman na mali yung nagawa ko at gagawin ko, pero sana maintidihan niya na grabeng traumang pinagdaan ko nung pinganak ko ang daughter namin nung 2017. Yung physical,emotional,mental pain na naramdaman ko sa panganganak. Until now, even though wala na yung papa ko, si mama parin yung tumutulong sa amin kasi yung sahod ng husband ay di talaga sapat lalo na at hanggang ngayong tinutulungan niya yung papa niya sa basic needs nito, ilang beses na naming pinag-aawayan ang tungkol hanggang sa napagod na ako at hinahayaan ko nalang siya. Kagabi sinabi ko sa kanya na kung di niya ako susuportahan sa desisyon ko mas mabuti na bumalik siya sa papa niya kasi until now priority niya parin ito. Kaya muli akong nagdesisyon ng ganito. Di na nga niya halos mabilhan ng bagong damit anak namin kasi hindi naman ganoon kalakihan sahod niya tapos may kahati pa kami. Alam kong ipapasa na naman niya mga gastosin sa mama ko kasi nasa abroad ito ngayon, di niya alam na sa tuwing nag vvcall kami ng mama ko is naaawa ako sa kay mama kasi kitang-kita kung yung pagod sa mukha. Nakapag start na din ako sa pagproseso ng mga papeles dahil balak kong mag abroad para samin ng daughter ko at para mapauwi ko na mama ko dito sa pinas. Sana makumpleto ko na yung pera para makaorder na. Nagsisikap talaga ako ngayon, sana patawarin ako ng Diyos.



Reply to this topic



  

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users