AUG 11 nagpacheckup muna ko and confirm na 5wks preggy ako but wala pang heart beat..
nung una nagaalanganin nako na ituloy kasi nakokonsensya ako

dipa talaga kami ready sa pangatlo kasi 2yrs old pa lang yung pangalawa ko,, and ang hirap ng situation dahil sa pandemic..
AUG 12 first day ginamit ko mifepristone.. parang normal lang.. medyo nanghihina lang ako pero kaya pa naman.
AUG 13 yung first dose ng cyto medyo may dugo na, then yung second dose talagang tumindi sakit ng puaon ko na para nakong naglalabor pero im thankful kasi di ako nag chill, nilagnat or nahilo or nasuka,,pero mga after 2hrs diko na natiis
parang kelangan meron akong iiri..para akong natatae pero hindi kaya pumunta akong cr and lumabas ang malaking blood clot.. then humiga ulit ako dahil sobrang sakit ng nararmdaman ko sa puson ko..
mataas naman pain tolerance ko pero eto diko matiis talaga.. pagdating 11pm bago ko inumin ang next dose ng cyto, pagtayo ko sa higaan biglang bumuhos maraming dugo na parang nakunan talaga ko.. ang dami ng lumabas sakin kasama na yung amniotic sac,,
kulay puti na parang taba ng baboy pero nagsearch ako tama nga na amniotic sac yun.. then hindi ko na kaya gamitin pa yung next dose kaya kahit nasa instruction na dapat tapusin din un, diko na ginawa.. kasi parang yung mga tahi ko sa matres dahil sa cs
parang mapapatid na dahil nararamdaman ko talaga sa loob na kumikirot.. then mga after 1hr uminom nako ng medicol.. nawala lahat ng pain pero sobra pa din ako magdugo..
today AUG 12 sumasakit padin puson ko pero medyo heavy nalang pagdudugo ko.. susundin ko pa din yung instruction na mag antibiotic after pa ng ilang days..
wait nalang ako ng 2-3 wks para magpaultrasound kung successful ba talaga.. sana di nakaapekto yung ddiko pag inom ng 3r dose.. natakot kasi ako na magcontract lalo yung uterus ko then maapektuhan mga tahi ko sa loob kasi pag CS ka mararamdaman mo yun..
i hope nakatulong tong experience ko.. im relieved but at the same time malungkot ako,, after ko makita yung amniotic sac iyak ako ng iyak.. ibinaon ko nalang sya sa isa sa mga cactus ko dito sa room namin at tinabi ko sa picture ng mga anak ko.
sana mapatawad nya ko...