Jump to content


Replying to Mife kit. 8 weeks. TVS done.


Post Options

  • Anti-spam: complete the task
  or Cancel


Topic Summary

Posted 06 February 2023 - 01:03 AM

Hi !

December nung nalaman ko na buntis ako, i think i was 5 weeks na non. January ko ginawa yung procedure kasi nahirapan pa ako sabihin sa partner ko na buntis kami. & nagipon pa tlaga ako ng lakas ng loob to do the deed.

I have a partner but i did it alone.

Day 1 (January 6) - Mife. 7pm -
1st pill
After 15 mins, may slight chest pains pero nawawala naman. Maya't maya din yung burp ko talaga.
8:20 light headed, medyo nasusuka pero kaya naman tiisin. May chest pains padin w/c is weird kasi usually wala daw side effect mife pill. nagpalpitate lang ako pero dinaan ko sa pahinga lahat since bawal magwater until 9. Uminom nlng ako ng uminom ng tubig onwards.

Day 2 - di ko na masyado narecord pero ang lala ng experience ko sa 1st and 2nd dose. Nagkaprob pa nga ako kasi di ko na napigilan ma-cr, tumayo at nagcr na ako around 10:30pm, dun ko din nafeel na may lumabas na parang enlarged soft jolen sakin (haha di ko maexplain eh) pero di ko din maconfirm kasi nga sumabay lang siya sa pagerbs ko. Sa 2nd dose lang ako dinugo, and nagkaron ng painful contractions tlaga sa puson, as in PAIN. 3rd dose, nahirapan ako kasi nga madami na dugo pero natulog nlng ako after non.

Nagising ako around 5am, wala ako masyado dugo sa diaper ko non from 12-5am. I was expecting pa naman na madami na since nababasa ko dito madalas ang lala daw ng bleeding pero siguro depende sa katawan talaga, and sa weeks. Naglakad agad ako non tapos nagexercise slight (akyat baba sa hagdan, helpful na din siguro na sa 3rd floor ako nakatira)

Super light bleeding tlaga ako, hindi nga ako nakakapuno ng normal napkin eh. akala ko hindi siya effective. Akala ko nagfail ako. Di ko na din nainom yung ibang gamot for bleeding kasi mahina tlaga siya. 8 days lang ako dinugo, or 10. Basta january 15 last bleeding ko. Hindi pq ako makapagintay non, nag pt agad ako around january january 19. Haha! Positive padin lumabas pero faint lines na & matagal lumabas yung 2nd line.

I waited for 2 weeks kasi sabi ni ella magpt daw ako 2 weeks after ng last bleeding, nagtake ako last monday (january 30), negative na. Dalawang pt tinry ko para sure, negative tlaga. Nakasched nako ng OB by feb 3 pero nagpt ulit ako ng feb 2 pagkagising ko para sure, negative padin kaya nakampante na ako.

I visited my OB na last friday morning, feb 3. Ang reason ko for visiting, irregular mens ako & i am sexually active, di ako nagkaron buong december tapos nagkaron ako netong january pero unusual kasi super haba ng duration (usually kasi 2 days lang ako) ganon. Pinag TVS nya ako, di ako mapakali actually napakain pa ako ng fries habang nagiintay hahaha!

Impressions:
retroverted uterus wirh secretory endometrium. Consider endometrial polyp. Normal ovaries with corpus luteum on the left. No fluid in the posterior cul-de-sac.

Hindi ko actually nakausap yubg ob ko after ng ultrasound kasi binigyan nya pa ako ng endorsement for bloodtest (w/c requires fasting, etc) kaya umuwi nlng ako. until now medyo clueless pa ako ano ba tlaga result ng tvs ko.

If someone here can explain kahit sa layman's term yung impression, pls do huhu.

Yun lang. Reading all blogs here really helped me! As in. Lalo na kahit may partner ako, i felt alone sa journey na to. Pag may gumugulo sa isip ko, nagbabasa ako dito kahit wayback 2018 pa yung post. Very helpful talaga. Sana lang ito na yung una't huling abortion na gagawin ko.

Review the complete topic (launches new window)