Jump to content


Replying to MIFE Kit at almost 12 weeks ONGOING


Post Options

  • Anti-spam: complete the task
  or Cancel


Topic Summary

mxpn

Posted 04 January 2021 - 06:54 PM

Hi nag pa ultrasound ba kayo after ? If oo gano katagal best way na magpa ultrasound para hindi nila mslaman na nag pa abort ka?

Posted 29 December 2020 - 12:14 AM

Normal ba sis dinugo ako now like kung paano tayo dinugo nung lalabas na si baby. Yung tuloy tuloy na dugo. Tapos medyo my mga blood clot. Natakot ako bigla eh. Salamat. Halos sabay tayo nov 19 ako nag procedure. Di ko sure if mens na yung last week 2days lang. Tapos ngayon bigla ako dinugo ng ganito.


Sis Babygirlll, alam mong nasa panahon ka na ngayon ng menstruation mo. Magmonitor ka muna ng mga nararamdaman mo dahil nasa kalagitnaan ka pa ng pagdating ng period. Magbasa ka ng mga website sa US o Australia tungkol sa post abortion care para madagdagan yung kaalaman mo at malaman na normal ang on and off bleeding hanggang 6 weeks pagkatapos magprocedure. Malalaman mo rin na upto 2 cycles maglilinis ang uterus mo. Kung wala kang nararamdamang kakaiba tulad ng matinding cramping or overbleeding (2 pads sa loob ng isang oras) at iba pa, wala kang dapat ikabahala.

Posted 26 December 2020 - 11:46 PM

Normal ba sis dinugo ako now like kung paano tayo dinugo nung lalabas na si baby. Yung tuloy tuloy na dugo. Tapos medyo my mga blood clot. Natakot ako bigla eh. Salamat. Halos sabay tayo nov 19 ako nag procedure. Di ko sure if mens na yung last week 2days lang. Tapos ngayon bigla ako dinugo ng ganito.

Posted 08 December 2020 - 01:10 AM

Ilang months ka nag pa abort sis? Kasi ako 4 months na ako pregnant.. natatakot talaga ako


Hi Sis Rey, nagterminate ako ng pregnancy ng 11 weeks 5 days base sa ultrasound. Mife kit from Ms Ella ang binili ko with Methergine. Effective ung gamot ni Ms Ella at gamot talaga itsura, hindi ung nababasa ko sa iba na nakaplastic lang ung tablet. Sa dami rin ng nabasa ko na experience at style sa instructions ng mga seller, sa clients ni Ms Ella ako nakabasa ng maiiksing labor time kaya less hirap/tiis kay mommy. Basta siguraduhin lang na wala kang preexisting condition and nakapagultrasound ka.

Hi sis, ask ko lang normal ba na onti nalang discharge ko tapos una light color then pag tingin ko sa pads ko brown? Nov 19 ako nag start ng procedure ko halos same tayo ng weeks ni baby. Almost 12weeks kinakabahan kasi ako. And sa tingin mo kelan ako pwede mag start mag pills? Kasi di alam ng bf ko na nag abort ako. Active kasi kami. Syempre natatakot lang din ako. Eh baka kasi mag taka na ang dalas ko kasi tumanggi sakanya ngayon.


Sis Baby Girlll, ovulating ka na ngayon so normal ung may discharge. Fertile window ka ngayon. Pwedeng may nahalong bahid ng blood pa rin kasi pwede tayong magbleeding anytime depende sa sitwasyon ng uterus natin. Monitor mo lang ung signs ng infection na sabi sa FAQ ng forum para mabawasan ung pag aalala natin.

Actually pwede ka na magpills agad base sa advice sa US sites. May option ka sis kung start ka na ng pill right now o maghintay sa first period. Kung iinom ka na ngayon, reset ka in short, magoovulate ka ulit in 2 weeks at madedelay ung first period mo instead of coming soon na sana. May chance din na magkableeding ka agad agad kung may egg na. Pag isipan mo sis kung kelan mo mas gusto sa bago o pagtapos na ng period. Consider mo rin sis mag copper iud para long term protection at walang hormones. Mas less chance maeject siya sa katawan as effect ng abortion kapag lagpas 8 weeks pataas na mula ng procedure. Kaya sa akin, january ko balak magpakabit. Maguupdate ako rito tungkol sa IUDs pag nakausap ko na si OB :)

Si BF pwede siguro explain na 'nawala' mo ung contraceptives mo kaya kailangan mo magstart ulit ng bagong box. Or na magcondom and pull out method muna kayo kung gusto na at ready na kayo. Pwede rin sabihin na nagkamens ka bigla. May mga babaeng 2x a month nireregla/bleed at baka madiscourage siya. Kung ano mang reason gusto mo gamitin, stick to medical related para galangin niya - cramps, intermenstrual bleeding, U.T.I. at iba pa. Mas maiintindihan niya un sis.

Posted 07 December 2020 - 12:28 AM

Hi sis, ask ko lang normal ba na onti nalang discharge ko tapos una light color then pag tingin ko sa pads ko brown? Nov 19 ako nag start ng procedure ko halos same tayo ng weeks ni baby. Almost 12weeks kinakabahan kasi ako. And sa tingin mo kelan ako pwede mag start mag pills? Kasi di alam ng bf ko na nag abort ako. Active kasi kami. Syempre natatakot lang din ako. Eh baka kasi mag taka na ang dalas ko kasi tumanggi sakanya ngayon.

Rey12

Posted 06 December 2020 - 06:50 PM

November 27-December 3, DAY 24-30.

Papasok na ako ng week 4 mula ng manganak. Ngayong linggo, bumalik yung sakit sa puson ko. Para siyang sharp na hinihila kung saan sumasakit dati ung kabilang dulo ng nakalawit sa pwerta ko. Parang tumitigas din yung puson ko pag nararamdaman ko yung pain. Very mild yung level of pain at hindi istorbo. Dala siguro ito ng paghanda ng katawan ko sa menstruation. Ineexpect ko na posibleng may clots at tissue sa mga susunod kong period pero hindi ko inexpect yung pain na kahit hindi pa ako nireregla. Sana senyales ito na yung natirang tissue ay mailalabas ko pa. Napansin ko rin na mas intense yung experience nung nagsama kami ng BF ko nitong linggo. Nung huling mga araw, mas naging matakaw ako at nadagdagan yung white discharge na parang mucus. Wala akong naranasang bleeding, clots o kakaibang discharge. Wala ring signs ng infection at binat hanggang ngayon. Sa ngayon, tuloy lang sa pineapple juice araw araw at pag-iwas sa bed rest. Nabawasan rin yung lungktotko, nagfofocus muna ako sa trabaho at BF ko. Nag-iisip din gabi-gabi ng paraan paano ko mapaghahandaan na magkababy ulit sa future. Sana tulungan mo ako baby, pagpray mo kami ni Itay mo na makatayo ng sarili.


Ilang months ka nag pa abort sis? Kasi ako 4 months na ako pregnant.. natatakot talaga ako

Posted 05 December 2020 - 10:32 PM

November 27-December 3, DAY 24-30.

Papasok na ako ng week 4 mula ng manganak. Ngayong linggo, bumalik yung sakit sa puson ko. Para siyang sharp na hinihila kung saan sumasakit dati ung kabilang dulo ng nakalawit sa pwerta ko. Parang tumitigas din yung puson ko pag nararamdaman ko yung pain. Very mild yung level of pain at hindi istorbo. Dala siguro ito ng paghanda ng katawan ko sa menstruation. Ineexpect ko na posibleng may clots at tissue sa mga susunod kong period pero hindi ko inexpect yung pain na kahit hindi pa ako nireregla. Sana senyales ito na yung natirang tissue ay mailalabas ko pa. Napansin ko rin na mas intense yung experience nung nagsama kami ng BF ko nitong linggo. Nung huling mga araw, mas naging matakaw ako at nadagdagan yung white discharge na parang mucus. Wala akong naranasang bleeding, clots o kakaibang discharge. Wala ring signs ng infection at binat hanggang ngayon. Sa ngayon, tuloy lang sa pineapple juice araw araw at pag-iwas sa bed rest. Nabawasan rin yung lungktotko, nagfofocus muna ako sa trabaho at BF ko. Nag-iisip din gabi-gabi ng paraan paano ko mapaghahandaan na magkababy ulit sa future. Sana tulungan mo ako baby, pagpray mo kami ni Itay mo na makatayo ng sarili.

Posted 27 November 2020 - 06:05 AM

November 20-26, DAY 17-23.

Two weeks na pagkatapos kong manganak. Bumalik na ang katawan ko sa normal, nakakatrabaho na ako ng di napapagod, walang hilo o kahit anong pregnancy pains. Tapos na ako sa mga gamot at antibiotics. Wala rin akong naranasang lagnat, spotting, foul smelling discharge, clotting o tissue. Tuloy ako sa pag-inom ng pineapple juice at naghyhydrate na ako ulit ng mabuti. Hindi na rin ako namimili ng pagkain. Umiinom din ako ng folic acid at evening primrose oil - mga supplement na pinapainom sa akin ng OB para magnormalize ang cycle ko. Bihira na lang yung kirot sa puson. Naglinis ako ng garden ngayong linggo kaya nabasa ng matagal yung paa ko, medyo nagkasinat ako ng ilang araw. Nagpamasahe ako at bumuti naman ung pakiramdam ko. Birthday din ng BF ko at naging intimate kami ulit – wala akong naranasang pain o bleeding. Napansin kong depressed ako at galit, emotional pa rin ako sa pagkawala ni baby kahit nabawasan na ang pag-iyak ko. Hindi ko pa maiwanan si baby, magkasama kami araw-araw kahit saan at magkasamang natutulog. Nag-online novena mass din kami nitong linggo. Minsan may maiisip ako o nababasa online na napapadalawang isip ako sa nagawa namin kay baby. Inaalala kong hindi healthy ang baby ko, hindi rin kami handa pa ng BF ko. Kaya talagang kailangan na buo ang desisyon natin sa procedure. Tapos na, nagawa na natin, at wala tayong magawa kundi haharapin araw-araw ang naging desisyon natin. Magdadasal pa rin ako kay baby at kay God na tulungan ako. Pagbubutihin kong makaipon at ihanda ang sarili para maging buong pamilya na kami.

Posted 20 November 2020 - 12:03 AM

November 12-13, DAY 9-10.

Nababawasan na ang clots at tissue na lumalabas. Hindi na nasundan yung lawit kaya kinakabahan ako. Huling dose ko na ng antihemo at methergine at nag-umpisa na ako sa antibiotics. Hindi ako nakaramdam ng paninikmura sa antibiotics. Parang normal na rin ang pakiramdam ko kaya nakabalik na ako sa trabaho. Huling beses kong uninom ng pinasingaw na coke at nag-umpisa na akong uminom ng pineapple juice. Bumalik yung mahinang cramps dahil sa juice. Nawala na ng tuluyan ang breast soreness at bumalik na rin ang size niya sa dati. Tinutuloy ko pa rin ang folic acid.


November 14, Saturday. DAY 11.

Tumigil na ang bleeding at spotting na lang ang natira. Antibiotics, folic acid at pineapple juice na lang ang iniinom ko. May slight cramps akong nararamdaman. First time kong naligo mula ng manganak ako. Tinagalan ko talaga para maiwasan ang binat. Ginamit ko ang tubig na pinagpakuluan ng dahon ng bayabas para sa huling rinse ng katawan. Ika-ninth day na ni baby kaya nagsimba kami at nakiusap ako sa guard para mabless si baby ng pari. Hindi ko napigilang umiyak habang dinadasalan at binebless siya ni Father. Pumunta ako sa harap ni Mama Mary at derederetso yung luha't hagulgol ko habang hawak ko yung baby ko. Masaya akong nabless na siya sa wakas, pati rin ang binili kong urn. I love you my baby. Pangako kong lagi kitang maalala at lagi kang nasa puso ko.

November 15-19, DAY 12-16.

Wala na talaga akong nakitang bleeding, clots at tissue kaya gumamit na ako ng pantyliner. Antibiotics, folic acid at pineapple juice pa rin ang iniinom ko. Pahina na ng pahina ang cramps ko at mas malakas na akong kumain. Isang beses sa isang araw lang may discharge, para siyang mucus at walang foul smell. May halong dugo pa nung umpisa kaya reddish pa siya pero kinalaunan ay naging light color. Bumalik na rin ang gana ko sa sex kaya nagkita kami ng BF ko. Wala akong naramdaman na kakaiba, walang bleeding o discharge, wala ring kahit anong pain nung magkasama kami. Kahit bumalik na kami ng BF ko sa normal na buhay, namimiss ko maging buntis dahil naging masaya akong kasama si baby. Sumisingit yung lungkot at pag-iyak ng biglaan lalo na pag mag-isa. Sana mas mapalakas ako ng baby ko at tulungan niya akong makabangon sa heartbreak.

Posted 12 November 2020 - 11:34 AM

November 9, Monday. DAY 6.

May cramping pa rin, mas masakit na at consistent buong araw. Pareho sa dysmenorrhea yung pain. Hindi ko pa rin makapa ulit yung nakalawit. Medium flow pa rin ang bleeding ko pero hindi na ako nagdiaper, kaya na ng napkin. Walang pa rin akong clots, hindi mabaho ang discharge at kaunting hibla hiblang tissue lang ang lumabas. Kain pa rin ako ng maanghang at nag-exercise. Kontrolado ang inom ko ng tubig. Medyo masakit na rin likod ko at mas masakit na rin lalo ang aking breasts, para siyang namamaga na matigas. Pinatungan ko ng malamig na bimpo galing freezer muna. Hindi muna ako naligo, punas pa rin dahil gusto kong at least 1 week hindi maliligo para iwas binat.


November 10, Tuesday. DAY 7.

Tuloy pa rin ang medium bleeding ko kaya nag-umpisa na ako ng anti-hemo at methergine. Tumindi ang cramps ko at nadagdagan yung pads na gamit ko. Natuwa ako kasi nagkaroon na ako ng clots buong araw, parang kuko kalalaki. Naka-apat akong pads sa isang araw. Dumami yung hibla hiblang tissue na hinihintay kong lumabas. Pabugso-bugso yung cramps pero mas matindi nung kakainom ng gamot. Nakakapanghina siya at napapagulong ako sa kama, parang may hinihila sa loob ko. Nahirapan akong magpatuloy sa exercise pero alam kong importante. Naglakad-lakad ako, patalon-talon, akyat panaog sa hagdan at naglinis ng kwarto. Kontrolado pa rin ang inom ko ng tubig at tuloy ang maanghang na pagkain. Nabawasan na yung pamamaga ng breasts ko at bahagyang lumambot na ulit. Nakatulong yung paglapat ng malamig na bimpo sa breasts ng ilang beses sa buong araw. Tuloy ako sa pag-inom ng folic acid sa pagitan ng anti-hemo at methergine. Uminom rin ako ng pinasingaw na coke bago matulog.


November 11, Wednesday. DAY 8.

Pagkagising ko, hindi ko na naramdaman masyado yung cramps. Pagkatapos uminom ng anti-hemo at methergine, bumalik na ulit yung matinding cramps. Mas lalong masakit kaysa kahapon. Nakahiga ako buong umaga dahil sa kirot. Paglapit ng tanghali, may lumabas na na mahabang tissue, mga 1.5 inch na parang tali yung hugis. Nakahinga ako ng maluwag dahil ilang araw ko na siya hinihintay lumabas. Tuloy tuloy yung paglabas ng clots pero mas onti na kumpara kahapon. Dalawang pads lang nagamit. Masaya pa rin ako kahit na kulang pa yung nilalabas ko. Medyo may amoy na rin yung discharge ko. Kahit masakit, nagawa ko pa rin magsingit ng exercise buong araw. Nang pagabi na, mas nababawasan na yung nilalabas kong clots at may paunti-unting tissue pa rin. Tuloy pa rin yung pag-inom ko ng folic acid para iwas anemia. Mas nabawasan na lalo yung breast soreness at pamamaga pero tinuloy ko pa rin yung pagdadampi ng bimpo na galing freezer. Sa ngayon, wala pa ring lagnat at nabawasan na ang back pain. Uminom ako ulit ng pinasingaw na coke bago matulog ng maaga.

Review the complete topic (launches new window)