Regular ang cycle ko. Monthly po talaga. +/-2 days lang po always amg advance at delay ng period ko.
LMP ko was jan 15-18. Had sex last Feb 6. It was 4rnds in diff times of that day. 2days after, nag emergency pills ako. I took 4 trust pills every 12hrs, 3x. Yun ang ginagawa ko dati with nordette. Kaso phased out na. Ang same generic name nya nalang is lady and trust. Mas mahal ang trust kaya yun ang pinili ko. I was expecting to have my MP mejo late kasi nga dahil sa pills. Or any days of feb. Nagbleed ako. Pero parang brown streaks lang. Hindi full menstruation po. Hndi nga nakakapuno ng panty liner. Akala ko yun na yon. Kinumbinsi ko sarili ko. Pero di ako mapalagay.
March nag weight check ako. I was consistent @ 55kg. Kaso biglang naging 62kg ako. Whick was unusual ng sobra. Saka ang tender na ng boobs ko always. Ang taba pa ng legs ko. Umiba talaga. Kaya kinabahan na ako.
March 4 nag PT ako. Dalawa, both positive. Though yung una mejo faint kasi gabi ko ginawa. Kinabukasan nag PT ako ulit, anlinaw na postive. March 7, i repeated my PT. Di na mumurahin ang ginamit ko. Yung tig 200+ na sa watsons. And oo, positive pa rin. Di ako makapaniwala. Active kasi ako sa sexlife ko sa EXes ko before. At alam ko na dapat ang gagawin, kaso pumalya. 22 po ako. Pharmacist by profession. Ready ako magkaanak, PERO sa tamang lalaki. This was just a one night stand. A mutual agreement between friends before kami magseryoso sa kanya kanya naming buhay. In short, LANDI LANG. Opo alam ko kasalanan to, mabigat na kasalanan para sa bata at sa Diyos. Buong buhay ko tong pagbabayaran. Hindi ko talaga gusto to. Hindi ko din po ineexpect to. Hindi ko rin mapapatawad sarili ko. Pero since day 1 ning nalaman ko, hindi sumagi sa isip ko na buhayin ang bata. Termination agad ang nasa isip ko.
Laking pasalamat ko lang na supportive yung partner ko. Sabi niya kunsakaling gusto ko ipagpatuloy, pananagutan niya naman daw. Kaso di kami magpapakasal. Which is practical. Sabi nya din katawan ko to kaya karapatan ko kung ano ang gusto ko. At gusto kong paterminate. Siya ang naghanap ng lahat. Actually naghanap din ako pero sakanya lang lahat ng may sagot. May mga nakita kami. May willing pa nga mag meet up. At may vaccum procedure din. Kaso sobrang nakakatakot.
Pharmacist ako kaya alam kong hindi lang isang drug ang involved sa medical abortion unlike sa sinasabi ng ibang sellers na enough na ang cytotec. Hndi po. Yung mife yun yung pumapatay sa fetus. Ang miso naman yun yung nagpapalabas sa fetus/tissues na dapat maexpel. At ang methergin naman eh para sa bleeding at iba pa.
Hanap kami ng hanap. Pero napagdesisyunan naming sa vacuum na lang. 1 time big time. Binasa ko lahat ng pwedeng basahin tungkol sa vacuum aspiration at pasok nmn ako lahat. Kaya buo n loob kong gawin ang procedure. Taga probinsya ako kaya pumunta pa ako ng davao para ipagawa ito. March 16 ang pinasched ko nun. Araw ng Dabaw. Kung silang lahat ay kay saya2, ang mood ko naman nung araw na yun ay sobrang kabado at lungkot.
Up to the last minute, kinumbinsi ako n partner ko to change my mind. Kasi gusto niya raw. Kaso ayaw ko talaga. Ayaw ko po talaga. Kaya itinuloy ko. Nagkita kami nung contact namin. Kasama ko partner ko at ang contact ko kasama niya husband nya. Tinanong niya ako sa mga bagay2 kung bakit at pano. At kung anong dapat iexpect ko sa procedure. Kung anong pwede mangyari, at sinagot niya rin naman ang mga tanong ko.
Pagdating namin sa lugar kung san gagawin ang procedure, lalon kinabahan ako. Tumigil kami sa mejo malayo sa lugar ng procedure. Iniwan namin ng contact ko ang partner ko at hubby niya. Sumakay pa kami ng padyak para mapunta sa lugar ng procedure. Maliit lang na kwarto, may metal na bed na may foam na manipis. Wala akong ibang nakita kundi yun lang at drawer kung san marahil nakalagay ang mga gamit nya.
Pinahiga ako ng midwife at sinabihang magrelax. Anjan din yung contact ko sa tabi ko. Siya ang humawak sa kamay ko. Pinasok ng midwife ang spec sa vagina ko, pag open ng spec ay putsa ang sakit po. Napasinghap ako sa sobrang sakit. Pero kaya naman. Nabigla lang ako. Andami kong naramdaman, hanggang sa nagpaalam si midwife na magsisimuka na raw sya.
Nung sinimulan niya, di ko maintindihan ang feeling. May naramdaman akong pinasok, at inikot ikot sa loob. Ramdam na ramdam ko yun. Sobra. At padiin din. Pinagpawisan ako at mejo namwersa, pero sabi nong contact ko magrelax daw para di masakit.
Tiniis ko ang sakit. Yun na ata ang pinakamatagal na 5mins ng buhay ko. Sobrang bilis na sobrang tagal ng procedure. Mejo matagal nyanrong inikot ikot yung device sa loob. At ramdam kong nagcocontract ang uterus ko. Pagtanggal nya ng device, may pinasok pa siya sa loob, cytotec ata. Tapos agad2 nya dinala sa cr ang nakuha niya. Di ko man lang nakita kung anong nakuha niya. Babangon sana ako kaso pinigilan ako ning contact ko kasi malakas pa daw ang bleeding.
Pinahiga muna ako sa kama. After ilang minutes, pinaglagay ako ng napkin sa panty ko at pinaupo. Inexplain ang mga dapat at di dapat gawin. Binigyan din ako ng gamot. Pagkatapos ay binalikan namin yung partner ko at hubby nung contact ko.
Anlamig ng pawis ko sa nerbyos at sakit ng puson ko. Tolerable naman talaga. Parang dysmenorrhea lang na malala. Pero kaya naman. Di ako nag pain reliever kasi allergic ako sa mga yon pero kinaya ko naman. Sabi ning contact ko pwede naman daw na maglakad2, pero mas magandang magrest muna.
Naghiwalay na kaming apat. Babalik na kami ng partner ko sa room na nirent namin, may naramdaman akong lumabas na buo, kaya pinamadali kong dapat makauwi na kami. 9pm p akong pwede kumain nun kaya nagpahinga na muna ako sa kwarto. Nahiga at hinihimas2 ang puson ko. Kasi nga medyo masakit talaga.
Pagdating ng 9pm inaya ko partner ko na kumain na. Humangon ako at nagpalit ng napkin. Mejo malakas nga bleeding ko at may buo2 ako nakita. At nakita ko ring lumabas ang gamot na nilagay sa loob ko. Tinext ko yung contact ko pero okay lang naman daw kasi mejo matagal na daw yun sa loob ko.
Kinabukasan humina na ang dugo, at hanggang ngayon nag sspotting pa rin ako. Hindi ako proud sa ginawa ko. Pero gusto kong malaman niyo na pag maghahanap kayo ng mga taong makakatulong sa inyo. Siguraduhin niyong hindi mauuwi sa wala ang pera nyo. 12k din ang ginastos ko. Labas pa dun ang kain, kwarto ko mula march 16-18. At pamasahe pa papunta't pauwi. Hindi biro ang gumastos na mauuwi lang sa wala. Kaya piliin nyo ang hihingan nyo ng tulong.
Wala akong ipopromote dito, kasi local na midwife ang contact nung contac ko. At masyadong shady ang ad nila sa internet. Pero laking osalamat kong totoo pala sila.
Mag p-PT ako nextweek. At iuuodate ko dito kung positive ba o negative na. At ang sabi nila kapg nagfail daw ay uulitin nila na wala nang bayad. Sana makahanap kayo ng tutulong talaga sa inyo. Godbless po at tiwala lng.
Di ko naman sinasabing tularan nyo ako. Pero wag na wag na kayong unulit pag di pa kayo ready. Sising sisi ako sa ginawa ko. Para ngang di ko na masikmura makipag sex. Anlaki ng regret ko. Kaya kung may balak kayong magpaterminate, siguraduhin nyong kaya nyo takasan ang konsensya nyo, kasi aaraw arawin nya ang pagdalaw sa inyo.
Sana lang talaga mag negative na ako. Although lastweek sobra pa rin ang urges ko to eat at pagiging sensitive ko to smell, ngayon medyo feel ko nagfafalter na ang mga ito. Sana nga totoo.
Uupdate ko kayo nextweek sa balita about sa akin. Goodluck sa mga gagawa pa lang.