Jump to content


- - - - -

3rd time abortion


1 reply to this topic

#1 Guest_MJ_*

  • Guests

Posted 21 November 2020 - 05:46 PM

Hello. This will be my third time doing it. Anyone else na katulad ko? Kamusta? Magkakaanak pa ba ako sa future? Need advice. Thank you

#2 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 22 November 2020 - 09:27 PM

Sis MJ may mga nagshare na naka-dalawa or tatlong procedure na sila. Depende sa kung gaano kalala ang epekto sa matris kung magkakaproblema ka sa future. Kung mas maaga ang procedure at embryo pa si baby, mas safe sa nanay. Kadalasan bago mag 8 weeks po ito. Kaya ipinapayo na 10 weeks ang cutoff sa US pagdating sa home procedure / medical procedure. Kung maraming natirang tissue sa loob ng babae, pwedeng magkaroon ng impact ito sa kalusugan at pagbubuntis ulit. May mga study sa US tungkol sa long tern health effects ng procedure, karamihan ng naging resulta ay walang impact ang procedure sa future pregnany sa kundisyon na maayos ang naging procedure - walang mga komplikasyon tulad ng impeksyon, pagkasugat sa matris o pagraspa. Ang nararaspa ay may tsansang magka-scar sa uterus kaya pwedeng mas mahirap mag-implantation ang embryo o kaya maaring maging premature baby. Kaya sis maganda magpaultrasound para matingnan kung may naging physical damage sa matris mo kung gusto mong masigurado na maayos kang magkakababy pag ready ka na.




Reply to this topic


This post will need approval from a moderator before this post is shown.

  

1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users