Jump to content


- - - - -

MIFE Kit at almost 12 weeks ONGOING

MIFEKit FirstBaby 11Weeks

7 replies to this topic

#1 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 05 November 2020 - 06:58 PM

Magandang gabi po sa lahat. Gusto ko pong magbahagi ng karanasan dahil nakakuha ako ng lakas sa mga nagshare ng kanilang kwento rin po rito sa forum. Sana makatulong din po yung experience ko.

Hindi ko po alam na buntis ako hanggang maging almost 11 weeks ako.

August ang LMP ko. Irregular po ako na may PCOS. Sumunod na buwan, hindi ako dinatnan pero normal sa akin yung minsang di daratnan. Nag-uumpisa akong manghina ng panahong ito at di ko pinansin. Nitong October nag-umpisa na akong magsuka. Nagtataka ako na dapat dinatnan na ako at wala pa rin. NagPT ako ng mumurahin at negative na may faint line ang lumabas. Ilang beses kong ginawa sa loob ng dalawang linggo, ganun pa rin. Hindi ko na kinaya kaya nagpunta na ako sa ospital at nagpacheck ako sa lahat maliban sa OB. Nakita na may infection ako. May mga ginawang test sa akin na exposed ako sa radiation, mga chemicals at antibiotics. Pagkatapos ng mga test, nirefer ako sa OB at kinutuban na ako na paano nga kung buntis ako. Bumili na ako ng mahal na PT at nagtest kinabukasan. Lumabas na positibo ang resulta. Nagpaschedule na ako agad sa OB at nagpaultrasound. Hindi ko alam ang gagawin ko, nagdasal ako at humingi ng klaridad kung anong mabuti para sa aming dalawa ng BF ko. First baby ko po ito.

Kinabukasan nagPT ako ulit at positibo pa rin. Nag-kita kami ng BF ko at sinabi ko na sa kanya. Halos puro ako yung nagsalita dahil nakapag-isip na ako nung gabi. Hindi sumagi sa isip ko magpatuloy sa baby ng panahong ito. Hindi pa kami ready pareho. Umuwi na ako at naghanap na online ng tulong para sa option B hanggang nakapunta ako rito sa forum. Lahat tayo na nandito may sari-sariling dahilan. Nakita ko rito sa forum yung pagrespeto natin sa isa't isa, at pag-intindi sa personal reasons natin. Kaya naging maluwag sa kalooban ko rin na magpatuloy at nacontact ko si Ms Ella sa number na binigay rito. Nagpadala na siya ng instructions at ilang beses kong binasa at pinag-aralan ng mabuti. Nilagay ko sa cp calendar ko yung mga detalye ng DAY 1, 2 etc.

Nagfinal checkup ako sa OB ulit para siguraduhing nasa kondisyon ang baby. Marami akong binasa sa mga website ng ibang bansa para siguraduhing candidate ako para sa procedure. Umiyak ako sa harap ng OB ko, nagmakaawa na tulungan ako pero tumanggi talaga si doktora. Naintindihan ko siya. Pinakinggan namin yung heartbeat ni baby. Sabi ng OB ko, mukhang lalake ang baby mo. Naiyak ako ulit dahil yun talaga ang gusto ko sana, isang baby boy na maliit na version ng itay niya. Kumpirmadong malakas at buo, buhay si baby. Miracle na nagsurvive pa rin si baby sa dami ng ginawa sa katawan ko. Bago ako umalis, nakiusap ako na pagkatapos kung ano man ang desisyon ko, tatanggapin niya pa rin ba akong pasyente. Sabi niya, oo aalagaan pa rin kita. Dagdag niya, sa ngayon, pag-isipan mo ng mabuti yung pagdadalang tao mo... Isipin mo ng 10,000 times. Pero sa likod ng isip ko, alam ko na habang papatagalin ko, mas lalaki si baby, mas masasaktan kami pareho.

Lumipas ang weekend habang hinihintay ko ang order kong MIFE Kit kay Ms Ella. Nangako ako sa baby ko na habang magkasama pa kami, bibigyan ko siya ng magandang ilang araw na magkasama kami. Nagtayo kami ng Christmas Tree at nagbalot ng regalo, nagpaportrait, bumisita sa lolo niya sa sementeryo, nagsimba at nagdasal. Araw gabi, nagvideo din ako ng mga mensahe para kay baby. Dumating na ang araw ng pickup sa LBC, kinabahan ako sa araw ng pickup. Pero naging maayos at walang naging tanong tungkol sa package. Naging banayad ang pagbili ko kay Ms Ella mula bayad hanggang pickup. Inabot ng 3 days mula pickup kela Ms Ella hanggang sa LBC branch ko. Pinili ko ang isang mall branch para mahaba ang oras na bukas sila.

Naintindihan ko yung mga kasama ko rito na kabado makipag-transaksyon. Kaya ako nagkukwento para mabasa na hindi tayo nag-iisa. Yung naiisip natin, pinagdaraanan natin may kasama po tayo. Nakakatakot po talaga pero kailangan nating maging matatag ano man ang maging desisyon natin. Salamat sa mga trusted sellers tulad ni Ms Ella na nagbigay sa atin ng ibang option. Naramdaman kong hindi ko kailangan ikulong ang sarili ko sa iisang desisyon lang. Tama si doktora na isipin talaga ilang libong beses bago magdesisyon. Sa dulo, pagtitibayin nito ang alam na natin sa ating sarili na tama para sa atin.

#2 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 06 November 2020 - 11:04 AM

November 4, Wednesday. Nag-umpisa na ako para sa DAY 1, nagkita kami ng BF ko nung umaga. Sa puso ko, parang family day naming tatlo. Gusto ko marinig ni baby yung boses ng itay niya uilt, gusto ko ring ipa-alala na pwede pa kaming umatras. Ganun pa rin ang desisyon naming huwag ituloy si baby. Nagkwento ako ng onti sa pagprepare para sa procedure at ayaw ng itay ni baby ng mga detalye, ni ultrasound hindi niya hiningi makita. Nauna na ako at pumunta sa drugstore para mamili ng kailangan ko sa bahay: adult diaper, underpads, wet wipes, pambalot kay baby, vigil candles. Pagkauwi ay nag-umpisa na ako ng fasting and nagcheck ng Mife kit. Tumawag ako sa crematorium kung anong pwedeng gawin kay baby. Nalungkot ako nung sinabi na hindi kayang macremate si baby dahil napakaliit pa niya. Ang payo ng crematorium, ilibing si baby sa lupa.

Medyo nanghihina na ako sa fasting, may onting lightheadedness. Inexpect ko na mahihirapan ako sa procedure dahil hyperacidic ako. Gumawa na ako ng huling video message para kay baby. Humingi ako ng tawad para sa aming magulang niya, sinabi kong I love you baby paulit-ulit, at nagkrus ako ng holy water sa puson ko. Pagsapit ng gabi, lumabas ako at nagkita kami ulit ng BF ko para samahan niya ako. Atras abante ako nung hawak ko na yung gamot at tubig. Nanginginig ako. Ultimately, pinalakas niya ang loob ko at nainom ko ang Mife.

Umuwi ako ng medyo tulala. Walang may alam sa bahay kaya tahimik akong umupo sa baba muna at nakinig sa usapan dahil ayaw kong mapag-isa. Baka magbago ang isip ko at isuka ko yung gamot. Nararamdaman kong nanunuyo yung lalamunan ko at natutunaw yung gamot sa sikmura ko. Nung patapos na yung 2 oras, umakyat na ako sa kwarto. Nagsindi na ako ng unang vigil candle. Nagdasal ako sa tatay ko na salubungin ang baby ko sa langit at nagbasa ng spiritual baptism prayer para kay baby. Bininyagan ko na si baby. Sa puntong to, hinang hina na ako at matindi ang lightheadedness. Humiga ako at nakaidlip. Mag-alas dose na ako nagising at kumain. Nararamdaman kong kumikirot yung puson ko ng kaunti. Palipat lipat ang kirot sa puson. May konting panunuka akong naramdaman pero kaya naman. Natapos ang DAY 1 ko ng maayos.

#3 Guest_ec_*

  • Guests

Posted 07 November 2020 - 07:48 AM

kamusta na day 2 mo sis any updates.Jb4sHP

#4 AnnieMaeMae

    Advanced Member

  • Members
  • PipPipPip
  • 31 posts

Posted 07 November 2020 - 02:25 PM

View Postbabebabe, on 06 November 2020 - 11:04 AM, said:

November 4, Wednesday. Nag-umpisa na ako para sa DAY 1, nagkita kami ng BF ko nung umaga. Sa puso ko, parang family day naming tatlo. Gusto ko marinig ni baby yung boses ng itay niya uilt, gusto ko ring ipa-alala na pwede pa kaming umatras. Ganun pa rin ang desisyon naming huwag ituloy si baby. Nagkwento ako ng onti sa pagprepare para sa procedure at ayaw ng itay ni baby ng mga detalye, ni ultrasound hindi niya hiningi makita. Nauna na ako at pumunta sa drugstore para mamili ng kailangan ko sa bahay: adult diaper, underpads, wet wipes, pambalot kay baby, vigil candles. Pagkauwi ay nag-umpisa na ako ng fasting and nagcheck ng Mife kit. Tumawag ako sa crematorium kung anong pwedeng gawin kay baby. Nalungkot ako nung sinabi na hindi kayang macremate si baby dahil napakaliit pa niya. Ang payo ng crematorium, ilibing si baby sa lupa.

Medyo nanghihina na ako sa fasting, may onting lightheadedness. Inexpect ko na mahihirapan ako sa procedure dahil hyperacidic ako. Gumawa na ako ng huling video message para kay baby. Humingi ako ng tawad para sa aming magulang niya, sinabi kong I love you baby paulit-ulit, at nagkrus ako ng holy water sa puson ko. Pagsapit ng gabi, lumabas ako at nagkita kami ulit ng BF ko para samahan niya ako. Atras abante ako nung hawak ko na yung gamot at tubig. Nanginginig ako. Ultimately, pinalakas niya ang loob ko at nainom ko ang Mife.

Umuwi ako ng medyo tulala. Walang may alam sa bahay kaya tahimik akong umupo sa baba muna at nakinig sa usapan dahil ayaw kong mapag-isa. Baka magbago ang isip ko at isuka ko yung gamot. Nararamdaman kong nanunuyo yung lalamunan ko at natutunaw yung gamot sa sikmura ko. Nung patapos na yung 2 oras, umakyat na ako sa kwarto. Nagsindi na ako ng unang vigil candle. Nagdasal ako sa tatay ko na salubungin ang baby ko sa langit at nagbasa ng spiritual baptism prayer para kay baby. Bininyagan ko na si baby. Sa puntong to, hinang hina na ako at matindi ang lightheadedness. Humiga ako at nakaidlip. Mag-alas dose na ako nagising at kumain. Nararamdaman kong kumikirot yung puson ko ng kaunti. Palipat lipat ang kirot sa puson. May konting panunuka akong naramdaman pero kaya naman. Natapos ang DAY 1 ko ng maayos.

Praying for you, sis!

#5 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 07 November 2020 - 06:22 PM

November 5, Thursday. DAY 2. Nagising akong nanghihina, matamlay at may kaunting hilo. Pinilit kong kumain dahil mas mahaba ang fasting. Uminom na rin ako ng gatorade at tubig. Nagcheck ako ng instructions ulit at nagtext kay Ms Ella para magconfirm ng dosage at oras ng gamot. Kulang yung bilang ng gamot kumpara sa instructions pero pareho siya ng pieces sa sample picture sa FB. Inisip ko na kumpleto naman ang natanggap ko. Pagreply ni Ms Ella, narealize namin na kulang nga talaga ang Miso pills at hindi na niya ako mapadalhan on time dahil nag-umpisa na ako. Kinabahan ako pero nagtiwala ako sa binigay na bagong instructions ni Ms Ella sa bilang kong gamot.

Buong araw ay nakaramdam ako ng dizziness at matinding nausea sa effects ng Mife. May times na nagdidilim ang paningin ko. Pagka-4pm hindi ko matiis ang gutom at kumain ako ng 1 skyflakes craker at kapiranggot na tubig gawa ng hyperacidity. Hinanda ko na ang mga gamit lalo na ang adult diaper at wet wipes. Almost 12 weeks na si baby, baka malakas dadaloy ang panubigan ko. Nagdasal kami ni baby for the last time together.

Unang dosage, nag-umpisa na ang cramping. Kaliwa't kanan ang cramping, saglit mawawala at babalik mayamaya. Para itong regular cramps na kayang tiisin. Nakaidlip ako hanggang mag-alarm na para sa second dosage.

Then, ilang minuto lang ay naging mas frequent na ang cramps at hindi na nawawala yung pain. Mas masakit na siya. Sa kada 10 minutes, 4 times akong magcacramps. Ambagal ng oras. Naalala ko yung mga naglalabor, senyales na nag-uumpisa na ang katawan ko manganak. Pagod na ako at nanghihina, gusto kong matulog. Naglagay ako ng 2 unan sa ilalim ng balakang at itinaas ko pa ang unan ko sa ulo. Anlaking tulong sa contractions, mas naging tolerable dahil naka-stretch ang puson ko. Kailangang tiisin yung sakit, hindi ko kayang ulitin pa ito. Derederetso akong nagdasal na sana gumana.

Medyo nabawasan yung cramps ng bahagya kaya kinabahan ako ulit sa adjusted dosage. Pinasok ko ang huling gamot at nakapansin ako ng manipis na layer ng dugo sa daliri. Naramdaman ko rin na medyo buo pa yung naunang pills sa loob. Tinulak ko sila lahat paloob pa at nag-umpisa ulit ang contractions. Makalipas ng 15 minutes, tumagilid ako sa kama at nabutas na ang panubigan ko. Andaming tubig, tuloy tuloy siya, buti talaga nag-adult diaper ako. Mayamaya lumalabas na ang dugo. Pumunta ako ng shower, nag-squat para magpalit ng diaper. Nakita yung mga miso pills, halos buo pa lahat. Nagsquat ako at may naramdamang malaking dalawang piraso na lumabas ng magkasunod. 12:32am time of delivery... si baby lumabas na. Nakakabit pa siya sa umbilical cord at may buong bilog sa kabilang dulo ng cord. Nakahinga ako ng maluwag. Tuloy ang bleeding at napaihi na rin ako. Pinasok ko ulit ang miso pills, nagpalit ako ng diaper at inalagaan si baby. Pinutol ko yung umbilical cord niya, nilinis ko siya, binendisyunan at dinasalan. Hindi ako umiyak, parang natural lang sa aking paliguan siya. Binalot ko muna siya, nilagay sa ziplock at nilagay sa altar pansamantala. May cramps pa rin ako pero hindi na gaanong masakit. 1:30am na ng nakatulog ako.

#6 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 08 November 2020 - 11:49 PM

November 6, Friday. DAY 3.

Continuous bleeding pa rin. Walang big clots, malakas ng onti sa heavy day ng normal menstruation ang daloy. May ilang lusaw na miso pills sa diaper ng nagpalit ako. Walang lagnat, chills o back pain mula umpisa at minimal cramps lamang. Parang lutang pa rin ako sa nangyari pero rested at mas malakas na ang katawan. Pinaarawan ko si baby para matuyo habang nag-iingat sa mga insects lalo na sa langgam. Balak ko siyang i-dry para mailipat sa aluminum na jar at ilibing kami ng magkasama balang araw. Sinusunod ko yung mga postpartum care sa Mife kit instructions ni Ms Ella. Nagtext ako kay Ms Ella para iupdate na successful ang procedure ko.

Pagsapit na ako ng hapon umiyak. Nanuod ako ng eucharistic blessing sa FB at napaiyak habang hawak si baby sa box at binebless kami. Kahit alam kong final ang desisyon namin, naramdaman ko pa rin yung loss. Hindi ko nasunod yung mag-exercise, yung instruction sa pagkain lang. Wala na akong nausea, paninikmura, hindi na rin ako sensitive sa pang-amoy at sa pagkain. Conscious ako sa pagkain buong araw lalo na sa temperature ng food at ingredients para hindi pasukan ng lamig. Wala munang ligo-ligo para iwas binat - puro punas lang muna mula buhok hanggang paa. Wet wipes para sa delicate area. Deretso pa rin yung bleeding pero mas mahina kaysa nung umaga. Minsanan na lang ang cramps. Slight tenderness sa nipples. Nakadiaper pa rin ako para kumportable, pero kinabukasan baka heavy flow pads pwede na. Expect ko na na upto 6 weeks ang bleeding.


November 7, Saturday. DAY 4.

Tuloy pa rin ang cramps sa puson at medium flow ang bleeding. Naghydrate na ako ng mabuti. Mas malakas na ako kumain at parang mas sore na yung breasts ko. Pagsapit ng hapon, nag-CR ako at may napansin akong nakalawit sa pwerta ko. Naalarma ako at kinapa ko, para siyang membrane/tissue na nagkumpulan at mabaho, kasing kapal ng daliri. 1 inch yung nakalabas at pagkapa ko sa loob hindi ko matantiya yung kabilang dulo. Inupdate ok agad si Ms Ella at inadvice niya akong i-ire ko siya at alalayan hilain. Natakot na ako kasi baka kailanganin akong raspahin pag hindi lumabas lahat. Nag-exercise na ako - jumping jack, squatting and jog in place. Tapos alternate sa pag-iire ulit. Lumakas bahagya yung cramps ko. Halos 2.5 inches ang na-ire ko hanggang gabi. Dahan dahan ko siyang sinubukang hilain pero kumikirot sa loob kaya hindi ko pinilit. Pawis ako sa kaka-ire. Kusang nagkagutay yung tissue at naputol sa kakahila kahit anong ingat kong wag maputol. Nasa bungad yung naputulang parte, nakakapa kong mahaba pa rin sa loob. Uminom ako ng isang basong pinasingaw na coke, nagpahinga na ako at susubukan ulit umire kinabukasan.

November 8, Sunday. DAY 5.

Pagkagising, nagpunta ako sa CR at pagkapa ko sa loob hindi ko na maramdaman yung lawit. Mukhang nagretract siya papaloob kaya kinakabahan ako. Inupdate ko si Ms Ella at waiting sa reply. Mas consistent yung pain/cramps din pero natitiis. Nabasa ko na paraan yun ng katawan para i-expel yung mga natira sa loob. Medium flow pa rin ang bleeding at hindi mabaho. Minimal ang clots at may mga lumabas na maninipis na membrane/tissue pero hibla-hibla lang. Nagconcentrate ako sa pag-exercise at pagkain ng ampalaya at spicy soup buong araw. Uminom na rin ako ng folic acid para iwas anemia. Kahit gabi na, may pain pa rin pero natitiis. Mas tumigas na yung breasts ko at masakit pag tumatalon kaya nag-adjust ako sa porma ng exercise. Napansin kong mas matakaw ako ngayon. Naglimit rin ako ng tubig dahil nakakatulong ang dehydration sa contractions. Uminom ako ulit ng pinasingaw na coke bago magpahinga. Mag-oobserve pa rin ako sa mga susunod na araw kung may mailalabas ako at kung lalagnatin ako.

#7 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 12 November 2020 - 11:34 AM

November 9, Monday. DAY 6.

May cramping pa rin, mas masakit na at consistent buong araw. Pareho sa dysmenorrhea yung pain. Hindi ko pa rin makapa ulit yung nakalawit. Medium flow pa rin ang bleeding ko pero hindi na ako nagdiaper, kaya na ng napkin. Walang pa rin akong clots, hindi mabaho ang discharge at kaunting hibla hiblang tissue lang ang lumabas. Kain pa rin ako ng maanghang at nag-exercise. Kontrolado ang inom ko ng tubig. Medyo masakit na rin likod ko at mas masakit na rin lalo ang aking breasts, para siyang namamaga na matigas. Pinatungan ko ng malamig na bimpo galing freezer muna. Hindi muna ako naligo, punas pa rin dahil gusto kong at least 1 week hindi maliligo para iwas binat.


November 10, Tuesday. DAY 7.

Tuloy pa rin ang medium bleeding ko kaya nag-umpisa na ako ng anti-hemo at methergine. Tumindi ang cramps ko at nadagdagan yung pads na gamit ko. Natuwa ako kasi nagkaroon na ako ng clots buong araw, parang kuko kalalaki. Naka-apat akong pads sa isang araw. Dumami yung hibla hiblang tissue na hinihintay kong lumabas. Pabugso-bugso yung cramps pero mas matindi nung kakainom ng gamot. Nakakapanghina siya at napapagulong ako sa kama, parang may hinihila sa loob ko. Nahirapan akong magpatuloy sa exercise pero alam kong importante. Naglakad-lakad ako, patalon-talon, akyat panaog sa hagdan at naglinis ng kwarto. Kontrolado pa rin ang inom ko ng tubig at tuloy ang maanghang na pagkain. Nabawasan na yung pamamaga ng breasts ko at bahagyang lumambot na ulit. Nakatulong yung paglapat ng malamig na bimpo sa breasts ng ilang beses sa buong araw. Tuloy ako sa pag-inom ng folic acid sa pagitan ng anti-hemo at methergine. Uminom rin ako ng pinasingaw na coke bago matulog.


November 11, Wednesday. DAY 8.

Pagkagising ko, hindi ko na naramdaman masyado yung cramps. Pagkatapos uminom ng anti-hemo at methergine, bumalik na ulit yung matinding cramps. Mas lalong masakit kaysa kahapon. Nakahiga ako buong umaga dahil sa kirot. Paglapit ng tanghali, may lumabas na na mahabang tissue, mga 1.5 inch na parang tali yung hugis. Nakahinga ako ng maluwag dahil ilang araw ko na siya hinihintay lumabas. Tuloy tuloy yung paglabas ng clots pero mas onti na kumpara kahapon. Dalawang pads lang nagamit. Masaya pa rin ako kahit na kulang pa yung nilalabas ko. Medyo may amoy na rin yung discharge ko. Kahit masakit, nagawa ko pa rin magsingit ng exercise buong araw. Nang pagabi na, mas nababawasan na yung nilalabas kong clots at may paunti-unting tissue pa rin. Tuloy pa rin yung pag-inom ko ng folic acid para iwas anemia. Mas nabawasan na lalo yung breast soreness at pamamaga pero tinuloy ko pa rin yung pagdadampi ng bimpo na galing freezer. Sa ngayon, wala pa ring lagnat at nabawasan na ang back pain. Uminom ako ulit ng pinasingaw na coke bago matulog ng maaga.

#8 Guest_babebabe_*

  • Guests

Posted 20 November 2020 - 12:03 AM

November 12-13, DAY 9-10.

Nababawasan na ang clots at tissue na lumalabas. Hindi na nasundan yung lawit kaya kinakabahan ako. Huling dose ko na ng antihemo at methergine at nag-umpisa na ako sa antibiotics. Hindi ako nakaramdam ng paninikmura sa antibiotics. Parang normal na rin ang pakiramdam ko kaya nakabalik na ako sa trabaho. Huling beses kong uninom ng pinasingaw na coke at nag-umpisa na akong uminom ng pineapple juice. Bumalik yung mahinang cramps dahil sa juice. Nawala na ng tuluyan ang breast soreness at bumalik na rin ang size niya sa dati. Tinutuloy ko pa rin ang folic acid.


November 14, Saturday. DAY 11.

Tumigil na ang bleeding at spotting na lang ang natira. Antibiotics, folic acid at pineapple juice na lang ang iniinom ko. May slight cramps akong nararamdaman. First time kong naligo mula ng manganak ako. Tinagalan ko talaga para maiwasan ang binat. Ginamit ko ang tubig na pinagpakuluan ng dahon ng bayabas para sa huling rinse ng katawan. Ika-ninth day na ni baby kaya nagsimba kami at nakiusap ako sa guard para mabless si baby ng pari. Hindi ko napigilang umiyak habang dinadasalan at binebless siya ni Father. Pumunta ako sa harap ni Mama Mary at derederetso yung luha't hagulgol ko habang hawak ko yung baby ko. Masaya akong nabless na siya sa wakas, pati rin ang binili kong urn. I love you my baby. Pangako kong lagi kitang maalala at lagi kang nasa puso ko.

November 15-19, DAY 12-16.

Wala na talaga akong nakitang bleeding, clots at tissue kaya gumamit na ako ng pantyliner. Antibiotics, folic acid at pineapple juice pa rin ang iniinom ko. Pahina na ng pahina ang cramps ko at mas malakas na akong kumain. Isang beses sa isang araw lang may discharge, para siyang mucus at walang foul smell. May halong dugo pa nung umpisa kaya reddish pa siya pero kinalaunan ay naging light color. Bumalik na rin ang gana ko sa sex kaya nagkita kami ng BF ko. Wala akong naramdaman na kakaiba, walang bleeding o discharge, wala ring kahit anong pain nung magkasama kami. Kahit bumalik na kami ng BF ko sa normal na buhay, namimiss ko maging buntis dahil naging masaya akong kasama si baby. Sumisingit yung lungkot at pag-iyak ng biglaan lalo na pag mag-isa. Sana mas mapalakas ako ng baby ko at tulungan niya akong makabangon sa heartbreak.




Reply to this topic


This post will need approval from a moderator before this post is shown.

  

1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users