Jump to content


- - - - -

Pabalik balik sa page na ito


7 replies to this topic

#1 Guest_Angel_*

  • Guests

Posted 18 August 2020 - 08:44 PM

Hindi ko alam bakit kahit tapos ko na gawin yung ginawa ko..bakit ako bumabalik sa page na ito..nagbabasa basa ako ng mga topics dito.. siguro nagsisisi ako at nanghihinayang .. sa tuwing di ako makatulog pumupunta ako dito..paano ba makalimot..hindi ko makalimutan ang itsura ng anak ko.. feeling ko pag naiisip ko siya nagpaparamdam siya.. sino guys ang nakaka experienced dito na bumalik dito sa link na ito..?

#2 Guest_CA_*

  • Guests

Posted 19 August 2020 - 12:21 AM

Angel, on 18 August 2020 - 08:44 PM, said:

Hindi ko alam bakit kahit tapos ko na gawin yung ginawa ko..bakit ako bumabalik sa page na ito..nagbabasa basa ako ng mga topics dito.. siguro nagsisisi ako at nanghihinayang .. sa tuwing di ako makatulog pumupunta ako dito..paano ba makalimot..hindi ko makalimutan ang itsura ng anak ko.. feeling ko pag naiisip ko siya nagpaparamdam siya.. sino guys ang nakaka experienced dito na bumalik dito sa link na ito..?
Same tayo. Bumabalik pa rin ako sa blog na to para magbasa kahit tapos na ako. Ewan ko pero pag nag susurf ako sa internet di ko talaga maiwasan na i'open na naman tong page na to. Alam kong mali ang ginawa ko at habang buhay ko yon dadalhin. Naduwag kasi ako. Di ko pa talaga kaya.

#3 LunarEclipse

    Newbie

  • Members
  • Pip
  • 2 posts

Posted 19 August 2020 - 09:14 PM

Hi sis. Gano ka tagal bago lumabas si baby sayo?

#4 Guest_Akira_*

  • Guests

Posted 20 August 2020 - 04:58 PM

Hi mga Sis, ako din pabalik balik sa page na to kase hndi din ako matahimik, at araw araw ko to iniisip to the point na nagpapalpitate na ko at hndi makahinga kaya nag decide akong magpa doctor. Clear ung ECG ko, and niresetahan ako ng pampakalma for anxiety attack. Ngaun lang ako naka experience ng ganto, laban lang tayo mga sis. try naten magmove forward kahit mahirap, and patawarin ung mga sarili naten sa nagawa naten, cause that's the only way na magsstart ung healing process naten emotionally.

#5 Guest_GUEST RRR_*

  • Guests

Posted 20 August 2020 - 10:02 PM

Hi sis. Same tayo. Tapos na ako but I couldnt resist pa din na hindi bumalik at paulet ulet na mgbasa dito. Emotional pa din ako and I was hoping na maka cope up ako sa aking life despite the trauma. Laban!

#6 Guest_Rose_*

  • Guests

Posted 22 August 2020 - 05:00 AM


Ako rin :( 1month palang nakakalipas kaya pakiramdam ko sobrang fresh pa rin nung sakit. Everytime naalala ko siya naiiyak pa rin ako. Kada makakakita ng pictures ng baby naiiyak. Sana isang araw mapatawad ko rin sarili ko sa nagawa ko. Napakalaking lesson nito sakin at malaking pagsisisi rin. Ang dami kong sana. Sobrang lungkot. Sobrang nakakapanghinayang kasi anak mo yun eh. Dugo at laman mo. Minsan maiisip mo ano kayang itsura niya paglaki niya, ano kayang ugali niya kung sakali. Nakakapanghinayang talaga. Kaya sa mga nagbabalak diyan, advice ko lang pagisipan niyo ng higit pa sa sampung beses kung gusto niyo talaga. Higit sa sakit na pagdadaanan ng katawan mas masakit indahin yung emosyonal na maradamdaman kasi hindi mo alam pano lulunasan.

#7 Guest_Yuii_*

  • Guests

Posted 23 August 2020 - 06:25 PM

Ako nga 2017-2018 pa huli pero hanggang ngayon, napapabisita pa din dito... Siguro naghahanap din kasi ako ng karamay sa feeling ng guilt sa mga maling nagawa ko. Pag andito kasi ako, pakiramdam ko, di ako nagiisa. Dito ko lang nafeefeel na di lang ako yung naipit sa ganung sitwasyon para makagawa ng ganung pagkakamali. Kasabay nun, dito ko lang nailalabas yung lahat lahat lalo na di ko naman to pwede iopen kung kani kanino lang. Siguro yun din nafifeel ng iba na nagpapabalik balik dito. Di man kasi tayo magkakakilala, mararamdaman mo pa din talaga yung heartfelt concern ng mga same mo ng naging experience dito. Sila lang din kasi talaga ang tunay na makakaunawa sayo.

#8 Guest_Rain_*

  • Guests

Posted 28 August 2020 - 02:17 AM

Same here mga sis.. I'm trying to forget pero naiisipan ko pa din buksan ang page na to lalo pag di ako makatulog..even pagod ang katawan ko from work my times na hirap matulog, then sa page na to makikibasa ko then maiiyak na lang din dahil bumabalik sa pakiramdam ko un nagawa ko.. pero dito din sa page na ko, feeling ko gumagaan din kasi nakakarelate ako..kahit through basa basa lang un bigat ng loob ko kumakawala..




Reply to this topic


This post will need approval from a moderator before this post is shown.

  

1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users