Pano naman po to? Halos mag 1 month na akong dinudugo pero light bleeding lang, nagstart ako magbleeding nung nov 9, nung october20 ko pa ginawa yung procedure tapos 6 days bleeding lang. natatakot na ako kasi mag 1 month na bleeding, wala namang masakit sakin, walang kakaiba.
Hi Sis Kata, normal ang bleeding ng 5 to 6 weeks. Kung wala kang ibang sintomas tulad ng mga nakasulat sa FAQ ng forum (lagnat, foul smelling discharge at iba pa), magmonitor ka muna ng katawan mo, magpineapple juice at magwalking araw araw. Ilang buwan ka na nung nagprocedure? Magbasa ka ng thread na kapareho ng kaso mo sis o sa mga bleeding ang topic, baka may kapareho ka ng karanasan sa bleeding. Kadalasang senyales na may natira pang tissue sa loob habang mas matagal ang bleed. Tulungan mo ang sarili mo rin na maglabas ng blooc clots at tissue kaya importante ang walking. Hintayin mo rin sis ang period mo dahil dagdag tulong un sa paglinis ng uterus. Pwedeng mas malakas o iba ang kulay ng period hanggang sa pangalawang menstruation. Pwede ka ring magpaultrasound para macheck ang kalagyan ng uterus mo. Magpray ka sis mailabas mo lahat at walang damage sa uterus para sa future baby mo sis.