Hello MermaidGirl and sa lahat ng girls na nagbabasa sa thread na 'to (Except Kay Guest_Aa na hindi naniniwalang may Dyos) Haha!
Anyway, this thread somehow answered some of my questions kaya lagi ko 'to binabasa. Pag nagbabasa rin ako sa blog na 'to, medyo nawawala 'yung lungkot ko kasi nararamdaman kong hindi ako nag-iisa. I'm currently on my 5th day today. I started my procedure last December 2. I also used the Mife kit that I got from Ms. Ella. I was 4 months pregnant.
Share ko lang rin.
Day 1 ko, very normal lang. As in wala akong naramdaman after I took mife. Nagutom lang ako kasi hindi ako sanay na hindi kumakain every one hour. Lol hahaha so struggle sa'kin 'yung fasting.
Day 2 ko, prinepare ko talaga sarili ko, physically and emotionally. Pero kulang parin pala. First dose, naramdaman ko agad yung abdominal pain. On and off so nakakahinga naman ako. 2nd dose ko, may fever na ako at nag chchills na ako ng sobra. Sinubukan ko matulog pero hindi talaga kaya. Sobrang bagal ng oras bago mag last dose. Before ako mag last dose, dalawang beses ko naramdaman na may pumutok somewhere sa loob tapos may umagos na Parang water na may blood. Palala nang palala 'yung pain na nararamdaman ko. Nung last dose ko na, feeling ko mamatay na ako. As in sobrang hinang hina na ako at sobrang namimilipit dahil sa pain. Sumisigaw na ako sa sobrang sakit. Umiiyak na yung partner ko tapos sabi niya sana siya nalang raw yung nakakaramdam ng pain.
Kaya girls, kung gagawin niyo, I advice you to have someone to comfort you. Kahit suporta lang. Kasi pag mag isa ang hirap, kung anu-ano pa maiisip mo. Kahit someone to talk to lang, kahit through phone. Malaking help.
Sobrang ironic neto pero I was praying the whole time. Sobrang humihingi ako ng tawad and humihingi ng tulong at the same time. Praying also helped me.
And girls, don't linger on the pain. Kasi the more na iniisip natin na masakit, lalo sumasakit. Kaya as much as possible, distract yourself.
And... TIBAY NG LOOB. WAG KANG SUSUKO, GIRL. WAG KANG BIBITAW. Kahit feeling mo mamamatay ka na, laban lang!!!
Pero 'yung pain tolerance ay depende talaga sa katawan. Siguro sobrang sakit for me kasi pag nagkakaperiod ako never ako naka feel ng cramps. Kaya hindi ako sanay sa ganong pain. And maliit lang ako e. 5ft lang height ko tapos, 48kg lang ako. Sobrang payat ko. Kaya siguro ganon naramdaman ko.
4 hours after my last dose, nagmadali ako papuntang cr kasi Hindi ko na kaya tiisin. Ihing ihi na ako tapos natatae rin ako. Nung una nasa bowl ako kasi nga natatae ako, pero nung na-feel ko na may kakaibang lalabas, lumipat na ako sa sahig para makita ko. Halos maiyak ako, mixed emotions na ako nung nakita ko 'yung fetus, and isang malaking sac of blood, na Parang mukang atay.
After that, sobrang nabawasan 'yung pain. Pero I was still in pain emotionally. It was a boy. Grabe, kamuka ko pa. Everytime I think about it, it breaks my heart. Kaya sana yung mga may planong dumaan sa ganitong process, sana wag na patagalin pa. Do it as soon as possible kasi kawawa 'yung baby kapag mejo developed na siya. Huhuhu
Day 3 ko, maaga ako nagising kahit halos walang sleep. Surprisingly, Konting cramps nalang nararamdaman ko at parang walang nangyari. Lumabas pa kami ng partner ko at naglakad nung naglakad, as per Miss Ella's advice.
Day 4 ko, normal lang 'yung bleeding Parang may period lang. I worked out din, just my daily routine. Konting jogging.
So today 'yung day 5 ko! Update nalang ako later on if ever may naramdaman anong kakaiba. Hihi
Thank you, girls and thank you Ms. Ella!
Sobrang laking pasasalamat ko rin sa Diyos dahil kahit isa 'tong malaking kasalanan ay Hindi parin Niya ako pinabayaan.