← ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES
Womens Blog
»
Sign In
Create Account
FORUMS
New Content
Status Updates
Search
Mark All Read
Replying to Emergency pills, 4 Lady pills, then another 4
Enter Your Name
Anti-spam: complete the task
Topic
[quote name="anneposie_" post="36281" timestamp="1506786322"] May gusto lang akong ishare at humingi ng payo...paikliin ko na lang yung kwento. May nakilala akong lalake at may nangyari samin. Wala kaming ginamit na proteksyon kasi di rin kami sanay at malinis naman pareho. Sinasabi ko rin na sa labas nya iputok... kaso nung kalagitnaan ng init, nanggigil sya ng husto at naputok sa loob. Nagulat ako. Di sya nagsabi pero naramdaman ko lang kaya tinulak ko sya sabi nya di daw nya napigilan. Nanginjg buong kalamnan ko sa takot. Dali dali akong pumasok ng banyo at nilabas kung anuman pwedeng malabas na katas sa loob. Tapos nataranta kami. Walang morning after pills sa mercury since 2013 pa ata kaya nagtingin kami sa google kung ano pwedeng kapalit. Ayun na nga, nabasa namin na effective din daw yung regular na pills, 4 pills sabay sabay agad iinumin, at 4 pills uli pagkaraan ng 12 na oras. Ginawa ko yun at nakaramdam ng bahagyang pagkahilo, mood swings at bigat ng katawan. Pero syempre kinakabahan pa rin dahil di naman 100% ang bisa nun. Pagkaraan ng isang linggo o higit, may lumanas ding dugo sakin.. napaaga yung regla ko sa inaasahan. Kaso 3 araw lang ata lumipas yun. Nagkaspotting din ako nung linggo ng dapat akong datnan. Sabi naman ng lalaki papanindigan nya...sabi ko na lang kahit nagkaroon na ko mabuti na abangan natin susunod kong regla. Dapat ngayong linggo nagkaron na ko, o nung nakalipas na linggo pa. Pero walang dumarating na regla. Kinakabahan na ko. May posibilidad kayang buntis ako?[/quote]