So dumaan ang ilang araw, wala talaga. Nakapag decide na ko ng ibang alternative with ms.ella’s advice na din. But this sept.21 ng madaling araw, nagising na lang ako at 3:30 am dahil may lumabas na liquid na brownish, and nagdecide ako maglagay ng pad. Di kinaya dahil medyo malakas, so nagdiaper ako. Nakatulog naman ako ulit dahil di naman painful that time. But nung gumising ako around 9am, medyo naffeel ko na na masakit na, and mabigat na din pakiramdam ko. Pero pumasok pa din ako sa work, buong araw kong tiniis. Gang sa uwian na and nagstart na ako duguin. Padalas ng padalas yung sakit gang sa patindi ng patindi na halos magpadala na ko sa hospital sa sakit, pero tiniis ko gang kaya ko. Di ako aware na naglalabor na pala ako, akala ko sign na nagkaron ako ng infection. Sinubukan ko ikalma sarili ko, 8pm nagstart yung sobrang sakit until 10:30pm, dinko na kaya feeling ko nadudumi na ko kaya napatalbo na ko sa banyo, pero aside pa dun nakailang balik na ko sa banyo prior dahil sa ilang blood clots na nailalabas ko everytime naffeel ko na naiihi ako. So at 10:30 di ko na kaya, nagstay na ko gang inire ko na ng inire, until lumabas yung baby ko
![:(](http://womensblog.org/public/style_emoticons/default/sad.png)
![:(](http://womensblog.org/public/style_emoticons/default/sad.png)
![:(](http://womensblog.org/public/style_emoticons/default/sad.png)
After 11 days, tsaka pa lang sya lumabas