Jump to content


Photo
- - - - -

REALIZATIONS AFTER ABORTION

#responsibility #choices

5 replies to this topic

#1 Chichi

Chichi

    Member

  • Members
  • PipPip
  • 27 posts

Posted 18 April 2016 - 11:08 AM

Hello to all Women, Mothers, Soon to be Mothers, regular & past WomensBlog-ers.

Gusto ko lang mag share ng REALIZATIONS AFTER ABORTION, para na rin guide or something na pwede nating iremind sa sarili natin palagi. Katulad sa karamihan ng mga nandito rin sa blog na to, isa rin ako sa mga dumaan na sa pag papaabort, just last February. 22 years old, a soon-to-be Mother sana sa isang napakaganda o napakagwapong bata. Pero dahil nga mas pinili ko ang abortion, kaya andito ako ngayon.

Umiyak. Nagsisi. Natuto. Alam ko na kahit ano pang isulat ko dito, sarili pa rin natin ang gagawa ng mga decision. Tandaan lang natin na sa bawat bagay na gagawin natin, laging may kapalit, o may kasunod na consequence. Huwag tayong magpapadalos dalos sa mga desisyon o mga ginagawa natin. LET US ALWAYS BE MINDFUL WITH EVERYTHING WE ARE DEALING WITH.

Hindi ko ginawa ang post na ito for judgement, but rather for realizations of future readers. Hindi rin ako magaling na writer, kaya alam ko hindi catchy ang post na ito. PERO hindi naman yun ang gusto kong sabihin dito. Gusto ko lang sabihin na sa bawat gagawin natin, mag isip tayo ng mabuti kung ito ba ang tama at ang magiging epekto nito pagkatapos.

I am 22 years old, degree holder, had so many great opportunities sa career ko, sabay sabay dumating, sabay sabay rin nawala. Not because of pregnancy pero dahil sa SARILI ko, sa kapabayaan ko. I am openly saying now that this time is the greatest downfall of my life. and I am embracing it. I am embracing my downfall and the courage to rebuild myself again.

PREGNANCY IS SO MUCH OF A BLESSING. alam ko at masasabi ko sa sarili ko na nung nagbuntis ako, yung ang isa sa mga pinaka magandang binigay ni God sa buhay ko. Pero pinili ko na mawala na lang dahil sa mga kapabayaan ko sa sarili ko. Masarap magmahal. Masarap makipag sex lalo na sa taong mahal mo. OO. Pero isipin rin natin na may panahon nga talaga para sa lahat ng bagay, hindi pwedeng sabay sabay, at hindi rin dapat pag naisip nating ayaw natin, hahanap na lang ng solusyon para mawala. alam kong kaya ito binigay sa akin at sa atin ay para matuto tayo. Mahirap hindi matuto. I have to admit also, that it is only now that I am rebuilding my relationship and faith with God. TAMA NA ANG MINSAN.

Napakarami ko ng nabasa dito tungkol sa mga dahilan kung bakit hindi pwedeng ituloy ang pagbubuntis. Nakipag sex tayo na alam natin na hindi tayo safe, or akala natin safe tayo pero nabuntis pa rin, or kung ano ano na ang mga ininom para baka sakali na hindi matuloy ang pagbubuntis. Parepareho na lang tayo ng nababasa, pero natututo ba tayo? HINDI. Dahil iniisip natin na may paraan, kahit hindi tama sige okay lang basta mawala lang. Para sa lahat ng nagbabasa, lalo na sa mga BABAE, mag isip tayong mabuti hindi kailangan maging mapusok, hindi kailangan ibigay lahat kahit mawala na saatin masabi o maipakita lang natin na mahal natin ang isang tao. Kahit marami pa tayong mabasa na PRACTICE SAFE SEX, kung hindi rin natin iisipin o gagawin, LAGI LANG TAYO MAGKAKAMALI.

Parang sa simpleng ginagawa natin, hindi ba kapag bigla kang tumakbo, pwede kang madapa. Pag nasa kusina ka at nagmamadali kang magluto, pwede kang mahiwa o mapaso. Pag nagmadali kang kumain, pwede kang mabulunan. Pag nagmadali kang uminom, pwede kang masamid. WALANG NADUDULOT NA MAGANDA ANG PAGMAMADALI, BAGKUS BINIBIGYAN LANG TAYO NG PAKIRAMDAM O RESULTA NA MASASAKTAN TAYO.

Alam ko na hindi lang ako ang nakakaramdam nito, bawat tao, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang pinagdadaanan. Pero sa tingin ko, isa ito sa mga kailangan lagi nating isipin kung gusto nating ng buhay na maluwag. Lahat ng tao may kanya kanyang style ang storya ng buhay. Wag tayong masanay sa kasabihan na, TAO LANG TAYO, NAGKAKAMALI. KUNG ANG DIYOS NGA NAGPAPATAWAD. PERO HANGGANG KAILAN NATIN SASABIHIN YAN, KUNG HINDI NAMAN TAYO NATUTUTO.

SANA SA BAWAT MALIIT O MALAKING BAGAY NA PAGDEDESISYUNAN NATIN, ISIPIN NATIN KUNG ANO YUNG MAGIGING MABUTI AT SASAYA TAYO NG WALANG PANGAMBA O PANGHIHINAYANG IN THE LONG RUN. KUNG NAGKAMALI TAYO, MATUTO TAYO. HINDI LANG BASTA SASABIHING NAGKAMALI AKO. KAILANGAN NATIN TANGGAPIN AT KILALANIN ANG SARILI NATIN.

ISIPIN NATIN MABUTI ANG EPEKTO NITO SA SARILI NATIN, HINDI YUNG KUNG ANO NA LANG ANG MANGYARI. PREGNANCY IS A BLESSING. KAYA KUNG HINDI TAYO HANDA, WAG NATING PAPASUKIN. HINDI LANG PWEDE BASTA SABHIN, MAHAL KO E, NAINLOVE AKO E, HINDI KO GINUSTO, AKALA KO SAFE AKO. ISIPIN LAGI NATIN NA BASTA NAKIPAG SEX TAYO, LAGING MAY POSSIBILITY NA PWEDENG MABUNTIS, PERO ISIPIN RIN NATIN KUNG HANDA NA NGA BA TALAGA TAYO. ILAGAY NATIN ANG SARILI NATIN SA LUGAR NG MGA BATA NA HINDI NATIN BINIGYAN NG CHANCE NA MAKITA ANG MUNDO. SIGURO NAMAN HINDI RIN NATIN GUGUSTUHIN KUNG GANUN ANG GINAWA SAATIN NG MGA NANAY NATIN.

ALAM KO MATATALINO TAYONG LAHAT. MAG ISIP TAYO BAGO GUMAWA NG MGA DESISYON NA HINDI NATIN PAGSISISIHAN. AT ALAGAAN NATIN ANG MGA SARILI. HINDI PWEDENG LAGING MASAYA AT ENJOY LANG, NAPAKADAMOT NON. SELFISH. MAKASARILI. KAILANGAN NATING TANGGAPIN NA NAGING, NAGIGING AT MAGIGING MAKASARILI PA TAYO SA MGA SUSUNOD NA ARAW SA MGA BUHAY NATIN. PERO TANGGAPIN NATIN YON NA MAY NATUTUTUNAN.

#2 Guest_guess_*

Guest_guess_*
  • Guests

Posted 24 April 2016 - 06:21 PM

diko first time mag pa abort pero npkahirap psych, mentaly, emotionaly, physicaly lahat ng nangyari sakin before nagfflashback. lhat ng hatred sa iba tao at sa sarili, lhat ng negativity. npkahirap magmove on at magumpisa ulit at magkamali ng paulit uli!

#3 Guest_Andy_*

Guest_Andy_*
  • Guests

Posted 25 April 2016 - 02:23 PM

diko first time mag pa abort pero npkahirap psych, mentaly, emotionaly, physicaly lahat ng nangyari sakin before nagfflashback. lhat ng hatred sa iba tao at sa sarili, lhat ng negativity. npkahirap magmove on at magumpisa ulit at magkamali ng paulit uli!


I feel you sis. 2 years ago nung ginawa ko to, i was 19 back then pero masakit pa rin. Kahit 4 weeks palang baby ko nun. After nang nangyari para akong laging may galit sa mundo. Kung maibabalik ko lang yung time hindi ako magpapadala sa kagustuhan nung ex ko na iabort baby namin. Tuwing makakakita ako ng baby naeexcite ako, gusto kong yakapin at alagaan. Samantalang di ko man lang naparamdam sa anak ko na mahal na mahal ko sya. Nagpakaselfish ako. Pero wala na eh. Pray nalang tayo at hingi ng sorry sa mga baby natin :(

#4 Guest_crazylove89_*

Guest_crazylove89_*
  • Guests

Posted 30 April 2016 - 09:54 PM

i feel u.. bago lng ako nagpa abort... ngayun di ko alam kng anu na nagyayari sa sarili...galit ako sa srili ko..galit ako sa lalaki na iniwan lng ako sa ere sa sitwasyon.... puro puot nsa puso ko ngayun..sobrang skit.. depressed ako...last 2days lng ako nagpa abort.. i hate my self..

#5 Guest_marj_*

Guest_marj_*
  • Guests

Posted 20 December 2016 - 06:17 PM

I feel you. Minsan ko ng nagawa, at sising-sisi ako. Umiiyak pa rin ako. This should be on the top thread, to raise awareness sa mga kababaihan. Tama na naexperience ko yun, natuto na ako. Ayaw ko ng maulit pa un. After nangyari saken, naging mas malapit ako sa Diyos.. nawawala ung pangamba pag nagdadasal ako, ipinagdadasal ko na sana mapatawad ako ng anak. If only responsible ung papa niya... If only... Andito sana siya ngayon. :'(

#6 Guest_cindy womensblog_*

Guest_cindy womensblog_*
  • Guests

Posted 12 September 2018 - 10:30 PM

Sakit pa din... araw araw pa din ako umiiyak. Araw araw nagsisisi... sa una makakaramdam tayo ng relief dahil sa mga sleepless nights at depression na pinagdaanan natin. Na ang gusto lang ay mawala ang tinuturing na problema.

After some time.. eto na talaga yung dadalhin mo habang buhay. Guilt at pain sobra. Ngayun bumabalik na naman yung sleepless nights, minsan tulala sa madaling araw umiiyak. Pakiramdam na ang bigat ng puso mo na parang minsan sinusundot. Na hihilingin mo na sana magising kana sa masamang panaginip. Di ko matanggap yung ginawa ko at parang d ko na kilala sarili ko.

Pagdadaanan natin to. May kapalit ang lahat. Ngayun i can lose yung taong pinagpray ko ng mahabng panahon at wala na kong control don. I just wanna be honest kasi ang bigat na ng loob ko. I feel empty inside. Nagsisisi ako sa nagawa ko at forever ko na tong dadalhin. Sana in time mabawasan ang sakit at matutunan kong patawarin ang sarili ko.



Reply to this topic



  

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users