Day 1 – 1 mife lang. Sakto lang, wala naman ako naramdamang kakaiba bukod sa medyo mabigat sya sa ulo. Kakain na dapat ako pero hindi na ako nakakain, tinamad na ako bumangon since medyo masakit nga sa ulo.
Day 2 – Wala naman ako naramdamang kakaiba until sa second insert ko. Ramdam ko na yung sakit sa puson ko then nakaramdam na ako ng bleeding ng mga 8:30pm kaya chineck ko. Meron na nga. Naramdaman ko di pa tunaw yung isang ininsert ko nung 8pm pero deds, pinasok ko pa rin yung dalawa. 9:30pm nakaramdam na ako na may pumutok, yung una mild lang pero yung pangalawa, sumabog na talaga. Pagcheck ko, tubig lang sya kaya akala ko napaihi ako. Ito na siguro yung panubigan. Naghintay ako hanggang para sa last insert pero pagtayo ko, nagbugalwak na ang dugo. Tang**a, ang dami as in. Tulong tulo dito sa sahig ng kwarto ko. Ang hirap pa naman mag ingay kasi tulog na mga tao at mag isa lang ako. Ang boyfriend ko ay nagwowork sa Batangas ngayon at sunday ng madaling araw pa uwi so I had to do it alone. Bumaba na ako tas natulo pa rin sya sa hagdan, hanggang sa cr nagkalat mga dugo. Pag upo ko at pagtanggal ng panty, ayun na. Dirediretso nang umagos yung mga buo buong dugo. May naramdaman akong malaki kaya niready ko sarili ko at sinalo ko. Malaki talaga sya tas may tali kaya nakalutang sya mula sa pipi ko. Bawal sya higitin kaya iniri ko hanggang sa makalabas ang umbilical cord and tadahhh, lumabas na ang baby ko. Grabe ang nginig ko nung makita at mahawakan ko sya. Buong buo na sya tas may pututoy.

Ngayon wala naman ako nararamdaman na kung ano, medyo masakit lang ulit puson ko but other than that, wala na.
Gawin nyo ng maagap kung possible, sobrang nakakakonsensya pala magpaabort.

Nakita ko pa sya, buo na. Buo ang katawan, may kamay, daliri at paa. Kita ko na rin intestines nya tsaka laman nya. Wala pa rin akong pagtigil sa pag iyak kaya I’ve decided to share my story nalang. Wala pa pong update sa day 3 pero mag eexercise ako mamaya. 3:06 am na kasi. Di ako pinapatulog ng konsensya ko. Maglalakad lakad ako pero sakto lang para di mabinat.
Ililibing namin sya bukas, at ang pinangalan namin sa kanya ay “Theo”, meaning “blessing from God”. See you in another life, my Theo. Sana patawarin mo ang mommy at daddy. Binigay ka ni God samin kasi alam Niya na gustong gusto namin ng baby boy pero hindi pa tama ang oras. Mahal na mahal ka ng mommy at daddy.
Kaya natin to, mga mami. Walang sawang pagdadasal at paghingi ng tawad sa taas nalang. First and last abortion ko na to kasi di pala ganun kadali, yakap para sating lahat.