
Nung mga araw na yon na nasa akin na yung kit, syempre iniisip ko na ituloy nalang yung pregnancy since gusto naman din ng LIP ko, but, mas malaki yung kagustuhan ko na makapagipon para sa future ng 3 girls ko. Kawawa naman yung panganay ko pagnagkataon na magkaroon uli sya ng kapatid, mahahati na naman ang atensyon na para sa kanya.

1st day
So fast forward, Saturday ang first day ko.
So around 7:15 pm nagmifepristone na ako.
Normal feeling. Little cramps but seems normal para sakin kasi lagi naman akong may cramps simula nung nalaman kong preggy ako.
2nd day
Sobrang natatakot ako kasi based sa mga nabasa ko dito, malala yung cramps na nangyari sa kanila so nageexpect akong mahihirapan ako. Around exactly 7pm hindi pa ko nakakainom ng first dose sumakit yung puson ko, then I looked sa pad na nilagay ko is may brown discharge. Hindi spotting pero hindi din naman ganon karami.
- 1st dose
8pm na ko nainom, inadjust ko nalang yung time. May bleeding ako agad after 30 mins lang . Di ganon kalala, and light color red lang sya. Moderate cramps lang din at utot ng utot.
- 2nd dose
Mejo lumala yung cramps. May times na malala yung sakit pero saglit lang tapos babalik uli sa moderate cramps. Mejo heavy bleeding na after 30 mins. Nararamdaman ko kasi pagpinapatawa ko ng partner ko, or when I sneeze, nararamdam ko yung pag agos ng dugo. Masakit na din yung puson ko. Pero bearable. Di sya kagaya ng labor pain. Nakadiaper na din ako after 2nd dose.
Nakatulog ako after 2nd dose. Siguro around 12am nalimpungatan ako, wala na kong nararamdamang kahit ano, nagstop yung cramps ko.
- 3rd dose
Sumakit uli yung puson ko pagkatake na pagkatake nitong 3rd dose. This time, tinunaw ko na yung cyto for 30 mins sa loob ng mouth ko kasi nung naalimpungatan ako, nagsearch ako agad why nagstopped yung pain, nakita ko na need mo tunawin yung cyto for 30 mins sa mouth mo para mas effective sya. Masakit uli ng moderate yung puson ko and this time hindi sya nawala until nagising na ako ng 5am and decided to pee. Pagkatayo na pagkatayo ko pa lang may nahulog na something at naramdaman ko talaga sya. Di ganon kalaki, parang half size ng malaking lemon pero bilog sya at dark red. Natatakot akong tignan yung loob kaya hinayaan ko lang muna after umihi nakita ko na di naman ganon karami yung blood sa diaper. Nagpalit nako ng ordinary pads. Nung nagising ako around 10, masakit pa puson pero sobrang light lang, light bleeding lang din. Hindi ako nagpass ng maraming clots. Bukod tangi lang yung pabilog na yon. Kinaumagahan bago itapon yung diaper, nilakasan ko loob ko to check if sac and embryo naba yun, at pagkakita ko di ako sure kung yun na ba. Super dark red sya. Mejo stretchy at di naghihiwalay hiwalay, unlike sa ibang clots na nadudurog, may white na parang jelly but hindi pabilog parang nadurog na white na jelly, may meaty part din pink na mahaba na parang laman ng baboy, maliit lang, may black na dot din di ko sure if ano yon. Sana yun na yon.
3rd day ko, hindi ako dinudugo masyado, super light bleeding lang no clots, but sa 4th day lumakas sya pero like period lang, no clots.
5th day ko na bukas, sore padin breast ko, actually naramdaman ko mejo gumaan sya pero mas sensitive na sya kaysa before. Mas masakit pag hinahawakan parang may mga matitigas na part. Pawala wala sakit ng puson. No more food aversions, no more super katamaran. Di ko pa sure if successful but I'll update ya'll.
Pray tayong lahat para sa ating safety at para sa souls ng ating angels. We all have different reasons. <3
Sana negative na after a week or so.
