Jump to content


- - - - -

Negative PT 19 days after procedure


No replies to this topic

#1 Guest_J_*

Guest_J_*
  • Guests

Posted 02 April 2021 - 01:24 AM

Hi, gusto ko lang sana ng magpapagaan ng iniisip ko.

Here's my experience. Na post ko na to sa isang thread nung nakaraan pero I'll post na lang ulit.

I did the procedure last march 6 and 7 and mife kit with 10 tabs of methergine gamit ko pero sa ibang seller ko nabili.
I was 7 weeks and 2 days nung time na yun.


March 6: took mife. Wala naman kahit anong naramdaman na side effects.

March 7: at 5 am,inserted 4 miso tablets sa vagina ko. Medyo natagalan pa ako kasi mini make sure ko talaga na nasa pinaka dulo ko siya nalagay. After 2 hours nag start na bleeding ko pero light pa lang kasi medyo may naramdaman na akong basa sa pwet ko at natagusan na pala ako.

Around 9am nakaramdam na ako na parang naiihi ako, naka 3 hours na rin naman ako ng higa so pumunta ako ng c.r. pag upo ko pa lang medyo malakas yung bulwak ng tubig sa pwerta ko. Akala ko ihi pero hindi pala. Then seconds after may naramdaman na akong lumabas sa pwerta ko na buong dugo size ng 1/4 ng palad ko may mga naka attach pa dung durog na miso tabs. Then tinext ko si seller kung yun na ba yun, sabi niya possible na that's it na. Then balik ulit ako sa paghiga kasi super ngalay at masakit rin yung balakang ko at likod, sa cramps naman light lang yung naramdaman ko, siguro mataas lang pain tolerance ko, kasi everytime kasi na nagkaka mens ako dati, halos himatayin ako sa dysmenorrhea. Pero that time bearable naman yung cramps. And may something strange rin akong naramdaman nun sa stomach ko.

At around 12nn, mas sumasakit yung balakang ko na feel ko para akong natatae. Kaya pumunta ulit ako ng C.R. pag upo ko ulit hindi naman ako natae pero may mga lumabas ulit na blood clots, this time mas malaki sa nauna, twice nung size nung 1st blood clot. At dun sa isang buong dugo na nakita ko may naka attach dun na bilog na pink meaty tissue (yung itsura niya parang raw chicken fat) size ng kuko sa pinky finger ko.
After nun, gumaan na pakiramdam ko nawala na yung dizziness,nausea at metallic taste sa mouth ko, yung sa soreness ng breast medyo na lessen pero nag subside talaga after 2 days na. Pero yung katawan ko medyo pagod pa rin and masakit pa rin balakang at likod ko.

After nun, parang heavy period na lang yung bleeding ko, napupuno yung overnight heavy flow pads na gamit ko every 3 to 4 hrs.
March 8 ng 11am uminom na ako ng methergine took it every 6 hours pero kapag morning minsan 8 hours yung gap nung last tab. Dapat 5am ko siya iinumin according sa instruction sakin ni seller pero nahihirapan talaga ako gumising nun kasi mabigat pa yung katawan ko nun. Pero pinilit ko pa rin pumasok sa work kasi feeling ko pag hindi ako nagalaw masyado, humihina yung bleeding ko.

Yung heavy bleeding ko tumagal ng 4 days, after nun spotting na lang ako, changed to panty liner na lang. And yung spotting tumagal ng 1 week.

Pero nung week ng spotting ko bumalik yung dizziness ko, so inisip ko na baka kulang lang ako sa dugo dahil sa procedure. Kaya bumili ako ng multivitamins na centrum advance. Pero after 2 days of taking bumalik naman yung metallic taste sa mouth ko pero very light na lang yung nalalasahan ko. Kaya napaisip tuloy ako kung successful ba talaga yung ginawa ko. Inistop ko rin yung pag take ng centrum.


Then last March 25 nagtake ako ulit ng PT, followed the instruction. And negative naman na yung result. Once pa lang ako nag pt ulit after procedure. And hindi naman ako nagpa ultrasound.
Pero minsan feel ko, dahil sa anxiety ko napapa isip pa rin ako kung success ba yun.

Based po sa kwento ko may makakapag confirm po ba dito sa forum na to kung successful yung procedure ko?



Reply to this topic



  

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users