7 months pregnant
Started by
Guest_Bea_*
, Jan 16 2018 01:28 AM
17 replies to this topic
#3 Guest_Kam27_*
Posted 16 January 2018 - 07:39 PM
May pag-asa pa ba na maabort kahit buo na sya?😢 7months preggy na po ako.
Are you sure sis? Ako 7months ako nung ginawa ko. And until now pinagsisisihan ko sya. Taonh tao na sya. Ang laki laki na nya. I'm not scaring you sis pero sobrang sakit. Well, kung kinaya ko kakayanin mo din yan Still recovering pa din ako. Well, Goodluck.
#5 Guest_Bea_*
Posted 17 January 2018 - 12:13 AM
Sis itutuloy q n pla ung baby.. Ang sakit pag naiicp q na dko sya bbgyan ng chance mbuhay. Tao na dn ksi tlga sya onting pnahon nlng manganganak nko. Though kasalanan pdn tlga ung naiicp q na ipaabort sya, pero mas nangibabaw n sakin ngaun na buhayin sya. Nattkot aq sa mga mangyyri. Una dko alam san q ggwin procedure, tpos san q ililibing, at pno q ipapalabas na nakunan aq since alam ng lahat n buntis ako.😢
#18 Guest_Anonymous_*
Posted 19 January 2018 - 08:55 PM
Pagisipan mong maigi sis. Kasi ang 7 months buo na talaga yan, taong tao na. I was 5 months pregnant when I thought of abortion. Walang nakakaalam na buntis ako aside from my boyfriend (who is now my husband). Ang gulo ng isip ko non, alam kong magagalit sakin family ko kasi very unexpected. Ang taas ng expectations nila sakin para mabuntis ng lalaking hindi din nila gusto. Sumisipa na ung baby sa tyan ko non, naiisip ko na habang hindi pa sila nagtataka (kasi hindi pa gaanong malaki tyan ko non at malaki ang tiwala nila sakin) na ayaw ko silang madisappoint. Ayokong pagtsismisan. Pero kasabay non ang pageencourage ng bf ko na kayanin namin lahat. Tanggapin namin ang consequence ng ginawa namin. Inisip ko dng palabasin sakanya na nakunan lang ako. Pero everytime na nararamdaman ko sa tyan ko ang baby ko, everytime na nalulungkot ako sisipa sya ng malakas. Parang sinasabi nya na kaya ko to, na kaya namin to. At kinaya ko nga. Kinaya namin. Ung chismis g mga kapitbahay, ung tingin ng tao na parang inuuri ka. Ininda ko lahat. But to my surprise, hindi ako pinabayaan ng family ko. Oo nagalit sila at first. Given na yun. Pero after nila mailabas ung galit nila, sila naging support system ko. Inisip ko lang na lilipas din yang chismis na yan. Pero ung joy na dala ng baby ko paglabas walang makakapantay. At totoo nga. If I were to be given a second chance to change what happened, siguro ang gagawin ko is yung umamin ng mas maaga. Para hindi din nahirapan ang baby ko. Para mas naalagaan sya. Thank God, lumabas syang malusog. Sobrang iba ung saya. Nawala lahat ng stress ko. Sya na ngayon ang stress reliever ko. And ung family ko, alagang alaga sya. Pinagaagawan pa nga sa pagalaga. Hehe. Kaya think positive sis. I know mahirap. Lalo na ung process. Pero pag labas ng baby mo. Pagkakita mo sakanya, mawawala lahat yab. Maiisip mo sobrang worth it. Nagsorry ako dakanya sa mga naisip kog gawin. Kaya pagisipan mong maigi, kasi ang hirap magsisi. Lalo na pagka nakita no na ung baby mo. I hope msaya ka pagka nagkita kayo, hindi the other way around.
Reply to this topic
1 user(s) are reading this topic
0 members, 1 guests, 0 anonymous users