May gusto lang akong ishare at humingi ng payo...paikliin ko na lang yung kwento. May nakilala akong lalake at may nangyari samin. Wala kaming ginamit na proteksyon kasi di rin kami sanay at malinis naman pareho. Sinasabi ko rin na sa labas nya iputok... kaso nung kalagitnaan ng init, nanggigil sya ng husto at naputok sa loob. Nagulat ako. Di sya nagsabi pero naramdaman ko lang kaya tinulak ko sya sabi nya di daw nya napigilan. Nanginjg buong kalamnan ko sa takot. Dali dali akong pumasok ng banyo at nilabas kung anuman pwedeng malabas na katas sa loob. Tapos nataranta kami. Walang morning after pills sa mercury since 2013 pa ata kaya nagtingin kami sa google kung ano pwedeng kapalit. Ayun na nga, nabasa namin na effective din daw yung regular na pills, 4 pills sabay sabay agad iinumin, at 4 pills uli pagkaraan ng 12 na oras. Ginawa ko yun at nakaramdam ng bahagyang pagkahilo, mood swings at bigat ng katawan. Pero syempre kinakabahan pa rin dahil di naman 100% ang bisa nun. Pagkaraan ng isang linggo o higit, may lumanas ding dugo sakin.. napaaga yung regla ko sa inaasahan. Kaso 3 araw lang ata lumipas yun. Nagkaspotting din ako nung linggo ng dapat akong datnan. Sabi naman ng lalaki papanindigan nya...sabi ko na lang kahit nagkaroon na ko mabuti na abangan natin susunod kong regla. Dapat ngayong linggo nagkaron na ko, o nung nakalipas na linggo pa. Pero walang dumarating na regla. Kinakabahan na ko. May posibilidad kayang buntis ako?
Emergency pills, 4 Lady pills, then another 4
Started by
Guest_anneposie__*
, Sep 30 2017 11:45 PM
Pills Lady Lady pills Help Inquire Inquiry Abortion
1 reply to this topic
#2 Guest_Reese_*
Posted 01 October 2017 - 04:41 AM
MagPT ka na. Kasi ako pinaabot ko pa na 5 months na wala akong regla kaya ayun 5 months nadin pala yung baby noon kaya super hirap ng process ko nun. Nagtake din ako nordette nun (emergency contraceptive sa southstar drug meron) pero wala din. Pinaabot ko na hindi ako nagPT agad kasi natatakot ako sa possiblity na buntis ako. Wala namang mawawala if magPT. Basta kahit super faint ng line sa PT it means preggy po talaga. Pag negative, isang line lang talaga yung visible. Goodluck ate.
Reply to this topic
Also tagged with one or more of these keywords: Pills, Lady, Lady pills, Help, Inquire, Inquiry, Abortion
Cytotec →
ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES →
AbortionStarted by Guest_Tagum girl_* , 24 Jul 2023 Abortion, Help, Davao area and 2 more... |
|
|
||
Cytotec →
ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES →
HOW TO STOP LACTATIONStarted by Guest_kittykatty_* , 31 Mar 2023 breastmilk, lactation, abortion and 3 more... |
|
|
||
Cytotec →
ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES →
Ilang months ba mag negative sa pt after mife?Started by Guest_NoName_* , 25 Feb 2022 abortion, pregnancy test |
|
|
||
Cytotec →
ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES →
Active pa ba si Ella_22?Started by Guest_AnonDesu_* , 07 Oct 2021 mifekit, abortion, ella_22 and 1 more... |
|
|||
Cytotec →
ABORTION PILLS IN THE PHILIPPINES →
Help nagbleed ako no pills takenStarted by Guest_MsSnowWhite_* , 20 Sep 2021 Help, Bleeding, Reply asap |
|
|
1 user(s) are reading this topic
0 members, 1 guests, 0 anonymous users