Posted 16 August 2018 - 07:40 AM
Parehas tayo sis, akala ko okay ung bf ko nung una... withdrawal kame. Pinagpipilitan nyang di kanya dahil withdrawal nga daw. Patuloy nyang pinaniniwala ung sarili nya na hindi kanya kahit na dates are very telling at siguradong sigurado ako. Sya lang ung guy sa buhay ko that I was involve romantically and sexually after two years of having a bad relationship. Akala ko moving on 2018 na ko, akala ko eto na ung time na someone is there to atleast stay kahit gaano kahirap. Pero hindi, dinadramahan pa ko ni gago na kung kanya daw sana tatanggapin nya. Kaso hindi at imessage ko daw ang tatay! Gago talaga, nang gigil ako sa galit at naiiyak ako sa sitwasyonpero wala eh. Kailangan ko, mali ung oras, panahon pagkakataon at ung mismong tao. Alam ko sa sarili ko na magiging tampulan ng tukso ung kakalabasan nito kapag tinuloy ko pa, bilang ibang lahi eh, negro pa. Alam naman naten that blacks are not socially accepted kahit ipilit naten, ayokong lumaki syang unloved, ngayon palang 4 weeks palang frim the date of sexual contact, dineny na sya anu pa sa susunod, what more sa iba pa. Hindi ko kaya ung ganung pain para dito... kung ako okay lang, pero anybody else suffering because of what i have done? Hindi ko kaya. Hinding hindi, magiging miserable lang kami kasi hindi ako ganun kstrong to keep it by myself, alam kong maiintindihan ng family ko pero ktakot takot na baket, at disappointing stare, at katakot takot na panghuhusga din. Sa mga na experience ko na... alam kong hindi ko deserve ang ma hit and run. I have been living my life decent and kind and loving for the past years.... sabi nga ng kaibigan kong napagsabihan ko, bakit ako pa... bakit.
Well siguro, ang naiisip ko lang is this is to humble me and my family. Mapanghusga kase ang pamilya ko sa kapwa namin, ako palgi akong dumadaing tungkol duon pero sila for them its okay., dahil totoo naman, hindi nila alam hindi lahat ng karma sa kanila pinapatama, madalas tangina ung tadhana pinapadaan sa iba, at sa pagkakataon ngayon lahat ng pinagchismisan nilang na hit and run, or naging single nanay, or nag medical termination for how manay years! O eto ngayon ako ang ginawang receiving end ng sitwasyon. Ako na nanahimik at palagig dasal lang eh sana kung magmamahal ulit eh ung totoo akong mahal na di ako iiwan kahit anung mangyari, kahit hindi kami mayaman basta buo. Yun lagi ang panalangin ko, BUONG pamilya, pero hindi binibigay saken. Ngayon palang, sira na. Ito ang huling beses kong magpapa medical termination, aayusin ko pang lalo ang buhay ko at ang pagdedesisyon at pagpapalakad ko sa buhay pag ibig ko. Sa ngayon pagkatapos nito magpapahinga muna ako.
Panalangin at dasal ko lang ay sana maging successful agad, huwag akong pahirapan at mabilis lang. Base sa research ko, this is normal, lalo na sa woman empowerment ng bodies, tangina lang ung mga kupal nateng gobyerno at relihiyon na nagdedesisyon oara saten pero pag kailangan mo ng tulong wala, tatalikod at sasabihing kasalanan mo pa.
Sa amerika, normal na ginagawa ito magisa. Ung Mife tinitake sa clinic, ung cyto sa bahay. Akala ko kase tayo lang mag pupush na gawin mag isa pero hindi, un pala talaga ang i aadvise ng doctor sa iyo. Kaya naten to, laban lang.
Mga lesson na natutunan ko?
1.Be humble as much as possible, kung may kalait lait or ka comment comment sa sitwasyon ng ibawag pa ding magsalita.
2. Live your life right, but smart, minsan kahit mabuti tayong tao, hindi tayo exempted sa mga shit at pa sway ng karma sa ibang tao ng tadhana. Madalas kahit na mabuti tayo at walang tinatapakang tao, ginagawan tayo ng kaputanginahan ng karma at tadhana na di naten deserve. Alam naten sa sarili naten yon, ako alam ko sa sarili ko yon, so this serves me a reminder na hindi ako exempted, magiging kind pa din ako pero smarter. Hindi na ko magpapadaan na wag mong gawin sa kapwa mo ang ayawmong gawin sayo, hindi sya totoo trust me.
3. Your body your choice, dahil ikaw ang nakakaalam kung anu ang sitwasyon mo, hindi pamilya mo hindi barkada mo hindi kung sino IKAW. Dahil ikaw ang magdadala nyan, may kaibigan din akong gumawa ng termination, nagpatulong ako pero ayaw bya kong tulungan, well ganun talaga pag tapos ka na, hindi ko na din inexpect dahil ayoko ngang mandamay. Kung ayaw di wag, kung gusto salamat.
Hindi pa ko nagstart, padating palang ung gamot pero desidido na ko at ayokong matawag na baluga, hit and run, kawawa, at kung anu anu pa kami. Napakamalas ko sa lalaki. 2 beses lang kaming ng do pero eto ako ngayon magisang ginagawang tanga. Lumapit ako sa tatay, pero dineny ako ng madaming beses.
Girls lagi nyong tandaan, never allow anybody specially a guy to tell you they dont want you the first time. Unang beses palang, sa case ko sinubukan ko bilang may nakasalalay pero wala. Kupal eh. So eto nanahimik ako, para saan pa ngat lumapit ako kung ngayon palang e wala ng respeto at Buto ung tatay puro “ Bu-To†lang walang BUTONG masasabi, respeto ko nalang sa sarili ko na wag ipilit, at pag pinilit magiging miserable. Dahil kung gusto nya, ke may doubt sya at nag withdraw sya kuno or ano, king gusto nya ako, kame tatanggapin nya pero hinde.
So para hindi hassle saming dalawa nitobg ipapaterminante ko, eto ang best decision ko, tough but the best. For now and the future. Kaya to, God will walk me through the rough waters.